Asahan na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby” sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat pantag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit.

Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga susuportahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ilan sa mga gamefowl breeder ay magbubuhat sa Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon at Bulacan kasama ang piling mga kasapi ng National Cockers Alliance (NCA).

Samantala, nagkampeon nitong Biyernes sa 2020 LGBA Cocker of the Year series first leg sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line sa likod ng 6.5 puntos.

May anim na puntos naman sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, Atty. Jun Caparroso ng Jungle Wild at dalawang tinale nina Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

Binanggit kahapon ni Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo, na bibitawan ang second leg(7-bullstag derby sa Mar. 9, 16 at 23.

Makababatid ng iba pang mga impormasyon kina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)