Kung may ibig magmalaki, ang ipagma­laki niya’y ang pagkakilala’t pagkaunawa sa akin, sapagkat ako si Yahweh, ang gumagawa ng kabutihan, katarungan, at katwiran sa sanlibutan. Ito ang mga bagay na ibig ko. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.