Jeremy at Gwen, naghalikan sa glacier

Jeremy Marquez at Gwen Zamora

SINULIT ng engaged couple na sina Jeremy Marquez at Gwen Zamora ang lamig-lamigang bakasyon sa Iceland.

Ang sipag mag-post ni Jeremy ng pics sa IG habang nagliliwaliw sila sa frozen paradise.

Naligo sila sa Blue Lagoon geothermal spa sa Grindavik, nagpunta sa Skogafoss waterfalls, nag-Glacier Lagoon sa Jokulsarlon at nag-canyons kung saan nagpipiktur sila sa may gilid ng bangin.

Naglakad din ang da­lawa sa glacier na uminom pa sila mula sa umaagos na ground water.

Parang mga batang naghahabulan at nagla­laro sa yelo ang magkasintahan na ikakasal sa March 2017 sa Bohol.

May cheesy pic pang pinost si Jeremy na nagki-kiss sila sa loob ng isang glacier.

Pramis pala ‘yon ni Je kay Gwen dahil dream nito na makita ang Northern lights.

“Life with you is beautiful,” ang paulit-ulit na cheesy caption ni Je sa IG pics nila ni Gwen.

Kita mong na-enjoy nang husto ng dalawa ang kanilang bonggang biyahe na ‘yon sa Iceland.

Best vacation ever ito para kay Je, na next time ay mas matagal daw mag-i-stay roon.

Pero mag-iipon muna siya dahil ito ang most beautiful, pero ito rin daw ang most expensive place na napuntahan niya.