Jericho gurang na

Kinaaliwan ng mga netizen ang pantawid-boredom serye ng aktor na si Jericho Rosales sa kanyang Instagram. Tinawag niya itong #GabiNaNaman series na ipinapakita ang kanyang nakakaaliw na pag-arte, pagkanta at pagsayaw.

Marami sa kanyang mga follower at kaibigan ang natutuwa sa pagbibigay niya ng aliw. Nitong May 4 nga ay nagpasiklab siya sa kanyang sinulid dance .Ipinakita niya kung paano ipasok ang sinulid sa butas ng karayom.

Pero hindi lahat ay natuwa sa #GabiNaNaman serye ng aktor. May isang netizen ang nagsabi na feeling bata umano siya kahit na matanda na ito.

Sey ng netizen, “tanda mo na @jerichorosalesofficial feeling bata ka pa rin”

Pinatulan naman si Jericho sa komento ng kanyang basher. Aniya, “matanda 200 years old hehe marami-rami pa naman asim ko lalo na after mag-gym.” (Rona Ronda)