Trending na naman ang ‘Halik.’ Ang karma kapag bumalik sa mga taong nanloloko masahol ang nagiging kapalit. Tulad na lang nang nangyari kay Jade (Yam Concepcion) nang lumabas ang sex video nila ni Ace (Sam Milby).

Ang husay talaga ni Lino (Jericho Rosales). Parang totoong nangyayari sa totoo niyang buhay. Imagine pigil na pigil siyang makapanakit ng babae. Gustuhin man niyang saktan ang asawang si Jade at ang bestfriend nitong si Marissa ay hindi ni Lino magawa. Imbes sinabi na lang niyang “pag-untugin ko kayong dalawa, e.”

Nagmamakaawa si Jade kay Lino, nakakaawa siya nang sabihing “kahit hawakan mo lang ang kamay ko Lino,” ‘yun lang daw ay makakasapat na sa kanya.

Pero, ang sabi ni Lino “wag mo akong hawakan. Nandidiri ako sa‘yo.” Kung sa ibang lalaki ‘yun tiyak hindi mapipigilan baka mapatay ang asawa. At ‘yun ang nangyayari kalimitan sa totoong buhay. Nagsasakitan ang mag-asawa lalo pa at nakita ng lalaki na ang asawa ay nakikipagtsuktsakan sa ibang lalaki.

Sa nangyaring ito ngayon kay Jade at Lino may puwang pa kaya sa puso ni Lino ang asawang si Jade?

Si Jade na wala nang matakbuhan at maging ang career niya ay apektado saan siya ngayon dadalhin ng relasyon nila ni Ace?

Bow kami sa writer ng Halik, ang galing ng mga linyang pinabibitawan sa mga artista.