Anak si Jerome Ponce ng dating action star na si Jessie Delgado.

Hindi man ito gaanong sumikat noong kapanahunan niya, hindi naman niya ito ikinahihiya.

“I’m proud of my ­father, although hindi po siya nagtagal sa showbiz,” pakli niya.

Bilang isang kabataang nabibilang sa mapusok na henerasyon, aminado rin siyang makaluma sa maraming bagay.

Katunayan, sa panahong uso ang premarital sex at nagbabago ang mga pinanghahawakang paniniwala ng mga millennial, gusto ni Jerome na manatiling konserbatibo pa rin sa ilang bagay lalo na sa usapin ng love at commitment.

“Papa ko, kasi, parang wala siyang advice sa akin pagdating sa ganyan,” pagtatapat niya.

“Ako naman kasi, hindi ko kailangang magtanong, hindi rin ako humingi ng tanong kasi hindi ko pinapasok ang mga ganyang bagay na… ibig kong sabihin, [hindi ko kailangang] alamin o pag-aralan o ano, if it comes, it comes,” paliwanag niya.

Sa edad din daw niya ay maaga siyang natuto sa buhay dahil galing siya sa broken family.

“Safety, siyempre nag-aaral tayo, may education naman. Alam natin ‘yan. Safety lang po iyon,” sey niya. “Ako, hindi kailangan ang tulong ni Papa, ni Mama. Sa school kasi siya itinuturo,” pahabol niya.

Speaking of his girlfriend Mika na isang sikat na volleyball player, sobrang happy siya dahil napaka-supportive nito sa kanyang career.

Si Jerome ang isa sa mga bida sa pelikulang “Otlum”, ang horror movie na kalahok sa 2018 MMFF. (Archie Liao)