Jerome pumatol na sa bakla?

Diretsahang natanong si Jerome Ponce sa presscon ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” kung may experience na siya sa gay dahil nga isang gay ang role na kanyang ginagampanan.

“I have a lot of friends na gays. Minsan nagtatanong sila, nagtataka, kasalanan ko naman, baka nami-misinterpret nila na parang nagbibigay ako ng ano. Pero, sinasabi ko, ‘huy, ano ka ba? ‘Wag ganyan. Inom lang tayo rito,’ mga ganu’n. Friends lang, tropa lang.

“And ako kasi talaga, ayaw na ayaw kong sumama ang loob (nila) o parang feeling nila, mababastos sila,” sagot ni Jerome.

Dagdag pa ng aktor, masayang kasama ang mga gays at hindi raw niya kayang mabuhay sa mundo nang walang gay friends.

“Masaya, eh. Masaya ang set, masaya ang buhay, masaya ang kuwento nila sa buhay, ‘yung pinagdaanan nila, nai-inspire ako, so I respect them,” aniya.

Showing na sa Oct. 2 ang pelikula mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana hatid ng Regal Entertainment. Kasama rin dito sina Jane Oineza, Myrtle Sarrosa, Albie Casiño and Tony Labrusca.

Mortal na kaaway: Yen ‘nakipag-agawan’ sa lalaki

After “Halik” na nagtapos nitong nakaraang Abril ay wala pa ulit bagong teleserye si Yen Santos kaya naman tiyak na matutuwa ang kanyang fans dahil mapapanood nila ang aktres ngayong Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa episode ng “Ipaglaban Mo” titled ‘Paninira’.

Happy si Yen na ang kasama niya rito ay ang co-star sa “Halik” at best friend din niya in real life na si Chai Fonacier. Gagampanan nila ang role na magkaibigan din pero naging mortal na magkaaway dahil sa isang lalaki na gagampanan naman ni Bryan Santos.

Ayon kay Yen sa interview niya sa ABS-CBN online, si Chai at si Hero Angeles ang naging kaibigan niya habang ginagawa nila ang “Halik” na nagpatuloy kahit tapos na ang serye.

“Mas nakakasama ko sila sa labas ng work, kasi ‘pag sa taping, sunod-sunod ang mga eksena, hindi rin kami masyadong nakakapagtsikahan. Pero ‘pag lahat kami libre, kami nina Chai, lumalabas kami,” aniya.