Jerome sa scandal photo: ‘Pag malaki, akin ‘yun!

Bading ang role ni Jerome Ponce sa upcoming barkada movie ng Regal Films na “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”.

Nahirapan daw si Jerome sa shower scene at sa kotse scene na pinagawa sa kanya. As in nailang siya at challenging daw talaga ito, so ginawa na lang niya ang best niya.

Sa tanong namin kung may halikan sila ng kalandian niya sa movie na si Anjo Damiles, ang sagot ng binata ay, “Secret!!”

Basta, ang dami raw niyang nilunok dito na paninibago at feeling niya ay hindi niya kayang gawin, pero ang sarap daw sa pakiramdam na na-exceed niya ang limits niya.

Pagdating sa paghuhubad onscreen, open na raw si Jerome dahil nandu’n na ‘yon at 24-anyos na rin siya.

Naiilang pa rin daw siya sa hubaran lalo na ‘pag wala siyang workout. Sa role niyang si Denzel ay hindi siya pinag-workout dahil kung magwu-workout siya masyado ay pa-mhin na raw ‘yon, eh hindi naman ganu’n ang karakter niya.

Hanggang saan ang kaya niyang ipakita sa big screen?

“Siguro, hanggang itlog! Hindi, joke lang! Ha! Ha! Ha!”

Mga topless daw, kaya niya. Hindi niya pa keri ang bottomless. Kung artistic na may pa-frontal o pa-butt ay “We’ll see,” ang sagot ni Jerome.

Sure daw siyang manonood ng movie ang girlfriend niyang si Mika Reyes. Proud daw ito sa mga ginagawa niya, although puwede raw itong ma-shock sa “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”.

Pinaghalo raw kasing drama at landi ang ginawa ng gay character niya rito.

Nabalitang may scandal photo na lumabas si Jerome kaya isa ‘yon sa mga tinanong sa kanya kahapon sa mediacon.

“Baka ako ‘yon. ‘Pag malaki, akin ‘yon. Hindi, joke lang!” pilyong hirit niya.

Aniya, laging may nagsasabi sa kanya na may lumabas siyang gano’n, pero confident daw siya na wala siyang ginawa na eskandalosong shot na gano’n.

May nagsabi na rin daw nito sa kanya at almost yearly raw ay may ganu’ng isyu sa kanya. Sigurado raw si Jerome dahil sa phone nga raw niya ay walang gano’n, magkakaroon pa raw ba sa iba?

“Hindi ako ganu’ng klaseng tao,” dayalog ni Jerome.

Eh paano kung may lumabas pa na hindi lang pic kundi scandal video niya?

“Kung lumabas man ‘yon, siguro sa inyo na! Enjoy! Isipin n’yo na lang, ako talaga ‘yon. ‘Di happy na kayo, gano’n?!” bulalas ni Jerome.

Sa October 2 ang showing ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na kasama rin sina Tony Labrusca, Albie Casiño, Jane Oineza at Myrtle Sarrosa. (Allan Diones)