Speaking of Jeron, marami ang natuwa sa special appearance niya sa Meant To Be noong Huwebes.

Nag-trending ang tungkol doon.

Sabi ng viewers ng Meant To Be, medyo bitin sila dahil iisang eksena lang si Jeron at tanging sina Jak Roberto, Ken Chan, Addy Raj, at Ivan Dorschner ang nakaeksena ng basketbolista.

Wala itong eksena kasama si Barbie Forteza.

Sana raw ay mag-guest uli si Jeron sa Meant To Be.

Ang direktor ng Meant To Be na si LA Madridejos, fan din ng basketball, kaya nang mag-taping sa kanila si Jeron, nagpa-picture pa siya sa basketbolista at sinigurado niyang makukunan kaagad ang eksena ni Jeron.

May basketball practice pa kasi ang aktor, este, basketbolista pala!

***

KASAMA namin si Manay Lolit Solis kahapon sa beauty salon ni Bambbi Fuen­tes sa Timog Ave., Quezon City.

Panay ang kalikot ni Manay Lolit sa kanyang cellphone, kaya nadaanan niya ang birthday text sa kanya ng dati niyang talent na si Nanette Medved.

Dialogue ni Manay Lolit, “Nata-touch ako rito kay Nanette, hindi siya nakakalimot na magpadala ng gift sa akin kapag birthday ko.

“Pati Christmas, may padala rin siya. At least, hindi siya nakakalimot sa akin kahit hindi na siya nagsu-showbiz!”

Komento namin, “Mata-touch din si Nanette kapag tama na ang spelling ng pangalan niya sa phonebook mo. Hahaha!”

Napansin kasi namin na ‘Nanet’ ang pagkaka-save ni Manay Lolit sa pangalan ni Nanette sa cellphone.

“Putah ka! Huwag mo nang isulat ‘yung spelling. Hahaha!” halakhak ni Manay Lolit.

***

Nalipat ang topic namin sa talent niyang si Benjie Paras.

“Aalis si Benjie, ihahatid si Kobe sa US. Baka Wednesday or Thursday ang alis nila. Kasi, kailangan nang bumalik ni Kobe sa US,” sey ni Manay Lolit.

Sabi namin kay Manay Lolit, mula Hunyo 17 hanggang 21 ay nasa France si Kobe para sa FIBA 3×3 World Cup.

“Bakit alam mo?!” pang-uusisa ni Manay Lolit.

“Kasama kasi roon si Jeron Teng!” sagot namin.

Baka mula US ay pupunta na ng France si Kobe at hindi na babalik ng ‘Pinas.

Hindi aware si Manay Lolit sa nasabing basketball event dahil, “Wala akong alam sa basketball, ‘noh?! Pero at least, maganda ‘yon, kasama pa si Jeron!”

Ang alam ni Manay Lolit, ihahatid lang ni Benjie sa US si Kobe at kailangan na rin itong bumalik sa ‘Pinas dahil may iba namang trabaho ang kanyang talent.