USE-THIS-ELECH-DAWA-DALUSAPIStandings W L
AdU 6 2
Ateneo 6 2
FEU 5 3
DLSU 5 3
UST 4 4
UP 3 5
NU 2 6
UE 1 7

Mga laro sa sabado:

(Araneta Coliseum)
2:00 p.m. – DLSU vs Adamson
4:00 p.m. – FEU vs Ateneo

Kumayod si Jerrick Ahan­misi ng 21 points upang ibalik ang Adamson University sa tuktok ng team standings sa 81st UAAP basketball tournament.

Dinagit ng Soaring Falcons ang 69-58 panalo kontra National University kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City upang ilista ang 6-2 karta at saluhan sa top spot ang defen­ding champion Ateneo.

Tumulong din si Papi Sarr ng 16 markers habang 11 ang kinana ni Sean Manganti at nakabangon ang Falcons mula sa back-to-back losses.

Halos hindi pinawisan ang Falcons sa laban, inilipad agad ang 16 na puntos na bentahe sa first canto, 27-11, bago tumayog sa halftime, 42-23.

Naging matatag ang A­damson sa second half nang magpumilit ang Bulldogs na makalapit.

Nagtala si dave Ildefonso ng 21 puntos para sa Bulldogs na nalasap ang pang-anim na talo sa walong laro.