Nagpapagaling ang aktres na si Jessica Simpson matapos maospital sa bronchitis. Ang sikat na mang-aawit na nagpasikat sa mga awiting Sweetest Sin, I Wanna Love You Forever at marami pang iba ay masaya.

“After a week in the hospital for bronchitis (my fourth time in 2 months), I’m finally home!” sabi ni Jessica.

“Coughing with Birdie has been a crazy painful journey. I am slowly getting healthier every day. Baby girl was monitored and is doing amazing! I am on my way to healthy and counting down the days to see her sweet smile. Sending love and prayers to all the mothers who are going or have gone through this. OUCH,” ipinost ni Jessica sa kanyang IG account.

Bukas si Simpson tungkol sa pagkakaroon ng isang mahirap na pagbubuntis. Noong nakaraang buwan, ibinahagi niya na hindi sinasadyang nasira niya ang upuan sa banyo at nagbigay din siya ng update sa kanyang mga isyu sa kalusugan. Noong Enero, ibinahagi ni Simpson ang isang larawan ng kanyang namamagang paa, kung saan humingi siya ng payo na magandang gawin para humupa ito.

Masuwerte si Jessica at tuwina ay laging nakasuporta sa kanya ang kanyang NFL veteran na asawa sa panahon ng kanyang pangatlong pagbubuntis. Bukod kasi sa bronchitis ay matindi rin ang dinanas niyang acid reflux, insomnia at back pain. Pero maganda ang attitude niya dahil very optimistic siya na malulusutan ang mga problema sa kalusugan.