Jessy ‘di masikmura si Enrique

Willing makatrabaho si JM

Ni Archie Liao

Willing si Jessy Mendiola na makatrabaho ang kanyang ex na si JM de ­Guzman sa isang project.

Feeling niya naka-move on na siya sa kabanata ng buhay niya with JM lalo pa’t meron na siyang Luis Manzano.

Gayunpaman, hindi naman niya masabi kung ready na rin ang aktor na maka-work siya.

“Ako po willing po ako na makatrabaho siya pero siya po ‘ata hindi,” sey niya.

Pero nilinaw niya na gut feel lang daw niya iyon at maaaring hindi totoo.

“Nag-assume lang po ako. Huwag ninyo mo po akong masyadong seryosohin. Baka hindi lang po nagkataon. I don’t call the shots naman, nasa management iyon. Wala pa naman pong pagkakataon na kinukuha kami sa isang project together. I guess, it’s not meant to be,” aniya.

Tungkol naman kay Enrique Gil, ayaw na niyang buhayin pa ang naging isyu nila ng Kapamilya actor na nakasama niya sa mga pelikulang “The Reunion” at “The Trial” noon. Indirectly, gusto niyang tumbukin na umano’y okey na siya sa iba, ‘wag lang kay Quen.

“Mas ok na po ako sa ganoon,” matipid niyang sagot.

Matatandaang naging isyu noon sa dalawa ang isang insidente sa eroplano kung saan feeling niya ay nabastos umano siya ni Quen.

First time na makatrabaho ni Jessy si Arjo Atayde na leading man niya sa romantic drama na “Stranded” ng Regal Films mula sa direksyon ng hugot director na si Ice Idanan. Showing na sa April 10.

Since pareho raw silang madalas na mabiktima ng mga basher sa social media, feeling niya may common denominator daw sila ng magaling na actor.

Marami rin daw siyang natutunan kay Arjo pagdating sa pagharap sa mga basher na nananatiling dedma lang at hindi nagpapaapekto sa mga bumabatikos dito. (Archie Liao)