Jessy-Luis engagement inaabangan

Jessy-Luis engagement inaabangan

Kung nagkaroon ng celebrity baby boom at celebrity weddings nu’ng isang taon (2019), inaasahan na ganoon din ang mangyayari sa taong ito ng 2020.

Ang Kapuso singer-actres-TV host na si Solenn Heussaff ang nanguna sa mga celebrity moms this year nang kanyang isilang ang first baby nila ng kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico na si Thylane Katana.

Other expectant moms this year include Ethel Booba, Anne Curtis, Cristalle Belo Henares-Pitt at ang TV host na si Luane Dy.

Inaasahan naman na sa taong ito magpapakasal ang ilang engaged celebrity couples which include Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Juancho Trivino and Joyce Pring, Luane Dy and Carlo Gonzales, Fourth Solomon at Grizella Gratela habang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay nakatakda namang ikasal ngayong Marso.

Expect more celebrity engagements to happen this year. Kasama na kaya rito sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at maging sina Tom Rodriguez at Carla Abellana?

Pelikula ni Aga maglalaro sa P300M

Sa darating na Martes, January 7, 2020 na magtatapos ang 2019 Metro Manila Film Festival. Nangunguna sa takilya ang pelikulang pinagbibidahan ni Aga Muhlach na “Miracle In Cell No. 7”. Pumapangalawa naman ang entry nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang “The Mall, The Merrier”. Malayong pangatlo at pang-apat ang magkahiwalay na pelikula nina Coco Martin at Vic Sotto, ang “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” at Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Although hindi pa nagbibigay ng official ranking and figures ang MMFF executive committee, hindi nila na-reach ang kanilang target ng P1-B. Masuwerte kung aabot man lamang ng P800-M ang magtatapos na filmfest.

Kahit ang top-grosser movie ng 2019 MMFF na “Miracle In Cell No. 7” ni Aga ay baka maglaro lamang sa P300M kumpara sa top-grosser nu’ng isang taon sa MMFF, ang “Fantastica” na kumita ng P596M.

Ang pelikula nina Vice at Anne ay malamang na hindi umabot ng P300M sa total run nito but this is still a good figure. Although, mas mababa sa mga naunang pelikula ng comedy superstar.

Samantala, hindi maikakaila na ang pelikulang “Miracle in Cell No. 7” na pinagbibidahan ni Aga ay siyang biggest movie niya sa kanyang buong career.

Dahil sa malaking tagumpay ng pelikula, expect a busier Aga Muhlach sa taong ito ng 2020.