Wow na wow ang porma ni Jessy Mendiola na makikita sa post ng dalaga sa kanyang Instagram account.

Makikita rito ang aktres na nakalatag ang baba-boom niyang wangkata sa gilid ng swimming pool ng isang magarang resort. Tiyak na mapapabuntong hininga ang mga barako kung masisilip sa kanyang hotness si Jessy. Suot niya ang green-blue skimpy two piece bikini.

Sa isa pang photo ay aminado siyang nilalamig na habang nakababad sa pool, pero poised pa rin siya para magmukhang hot.

Grabe ang kaseksihan dito ng Kapamilya aktres, mula sa nakagigigil niyang legs, sa makurba niyang katawan, flawless at super kinis niyang kutis, at magandang mukha, winner na winner talaga rito si Jessy.

Kapansin-pansin din ang magandang abs ng aktres dahil kilala siyang physical fitness buff, ang kanyang kaputian, na pati kilikili ay animo nakasisilaw sa kaputian.

Kaya walang dudang kartada diyes ang tindig ni Jessy, na kahit saang anggulo titigan ay umaapaw talaga siya sa kariktan. Siya ang tipo ng babaeng kaiinggitan talaga ng mga kapwa niyang babae dahil sa makatulo-laway niyang alindog.

Masuwerte ang kasintahan niyang si Luis Manzano, dahil mayroon siyang partner and inspiration na tulad ni Jessy. At dahil nakabingwit siya – hindi ng matabang isda – kundi ng isang isdang sexy at siksik sa sex appeal.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Jessy. Nagpa-canton ba siya? Siyempre, kapiling niya ang kasintahan sa pagdiriwang na ito. (Nonie Nicasio)