ISANG ex-drug addict na magiging love interest ni Enchong Dee ang role ni Jessy Mendiola sa Mano Po 7: Chinoy.

May kissing scene sila ni Enchong, na ang sabi ni Jessy ay ganu’n pa rin humalik si Enchong, walang nagbago.

Sa halos lahat kasi ng mo­vies ni Jessy ay ang Chinito hottie na si Enchong ang leading man niya kaya sanay na sila sa isa’t isa.

Very thankful ang Kapamilya star na naging bahagi siya ng bagong Mano Po installment, na first movie niya sa Regal Films.

Medyo bit role lang siya, pero may impact ito sa movie lalo na sa buhay ni Enchong at ng pamil­ya nito.

Marami pa raw dapat abangan bukod sa kissing scene nila ni Enchong.

Sa tototong buhay ay hindi pa naranasan ni Jessy ang magdroga, so naka-relate lang siya sa karakter niya doon sa punto ng pagmamahal.

Sa totoong buhay ay puno ng pagmamahal ngayon ang seksing dalaga dahil kay Luis Manzano.

Nu’ng may nagtanong sa kanya kung anong totoong status nila ni Luis, humirit kami na obvious na obvious naman na sila, ‘no!

“Obvious naman, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Sa picture, halata naman, ‘di ba?” natatawang pagsang-ayon sa amin ni Jessy.

May sumundot din kung nagmano na ba siya kay Ate Vi (na mudra ng nobyo niyang si Luis).

“Hindi na po ako nagmano, nagbeso na po ako. Ha! Ha! Ha!”

Sa darating na Pasko ba ay makakasama siya ng pamilya ni Luis?

“Sana po, ‘pag inimbita po ako,” nakangiting sagot niya.

In fairness, after mag-post ni Jessy sa Instagram ng pic nila ni Luis ay si Luis naman ang nag-post recently ng pic nila together, huh?

“Oo, mas buo ‘yung sa kanya. Akin kasi, kalahati lang. Nahiya pa ako. Ha! Ha! Ha!”
Happy ba siya with Luis?

“Happy naman. Dapat, happy lang tayo.”

So, happy na siya ulit?

“Happy naman ako lagi, ah? Mas happy ako ngayon. Dati, happy lang. Ngayon, happy na happy.”

As in hindi malamig ang Pasko niya this year, ganern?

“Uy, laging warm ang Pasko ko dahil sa fami­ly.”

Pero mas mapapainit pa ni Luis ang Pasko niya, ganern?

“Sige na nga! Ha! Ha! Ha!”

Wala pa raw silang Christmas plans ni Luis dahil sobrang busy nila pareho.

Balak din ba nilang magbiyahe together?

“Tingnan natin. Tingnan na lang natin! Ha! Ha! Ha!”

***

Hindi na pina-follow ni Jessy ang ex-Bf niyang si JM de Guzman sa Ins­tagram.

Hiningan namin siya ng reaksyon sa pinost na IG video recently ni JM na mukhang okey na ulit ito at back to normal na.

“May nagsabi po sa akin, may update raw po (si JM). Pero hindi ko po alam eh, wala akong balita.”

Ano na lang ang feeling niya na tila maayos na ulit si JM after nitong ma-rehab?

“I’m happy for him. ‘Yun naman ‘yung lagi kong wish sa kanya,” kaswal na sagot sa amin ni Jessy.