PAGKATAPOS hiranging FHM’s Sexiest si Jessy Mendiola, pinutakti ito ng mga intriga at na-bash nang husto.

Nag-react na ang mommy nitong si Didith Garvida at pati si Luis Manzano ay nakisali para ipagtanggol siya.

Bukod sa na-link siya kay Ian Veneracion, may mga naglalabasan pang isyu ng pagmamaldita umano ni Jessy sa isang out of town personal appearance.

Nag-shout out si Jo­bert Sucaldito sa Facebook ng reklamo niya kay Jessy nang mag-show sila sa fiesta ng isang bayan sa Surigao del Sur.

Naglitanya si Jobert kung paano nag-attitude si Jessy roon na pagdating, nagkulong lang ito sa kuwarto at luma­bas na lang kinagabihan sa kanilang courtesy dinner.

Pati ang pagkakaroon ng walong bodyguards ay pinuna ni Jo­bert hanggang sa napuno na siya dahil nagde-demand daw itong mag-finale dahil iyun daw ang napagkasunduan nang kinuha sila ng promoter.

Pero si Jobert ang nag-ayos ng program at si Billy Crawford daw dapat ang finale at mauunang mag-perform si Jessy.

Pero finale raw ang gusto ng kampo ni Jessy dahil FHM’s Sexiest na ito.

Bahagi ng status na ipinost ni Jobert sa FB account niya, “Kung wala sigurong Billy Crawford, baka puwede pa pero between her and Billy, tanga na lang ang hindi maintindihang si Billy ang dapat huli.

“Billy is much bigger naman compared sa kanya in terms of stardom.”

Sinabi pa niyang kung FHM’s Sexiest lang ang ipinagmamalaki ni Jessy, hindi raw nababasa iyun doon sa Carrascal, Surigao del Sur.

Wala lang daw magawa si Jessy dahil nakarating na sa kanila na nagalit na si Jobert.

Pero inalipusta na ni Jobert si Jessy at sinundan pa niya ng ilan pang post tungkol sa pagkaka-link ni Jessy kay Ian Veneracion.

***

Nag-post ang ina ni Jessy na si Didith Garvida sa Instagram na hinahamon ang bashers ng kanyang anak na magkita raw sila at puwede raw magdala ng abugado kung gusto nila.

Bahagi ng statement ng mommy ni Jessy, “I love arguments come and see me I will be kind to you and I will not slap nor drag you down to the mud.

“I will just tell you right to your wicked face…WHERE IS YOUR MOTHER? Didn’t she tell you to behave and walk the good talk my dear or perhaps your FATHER to control your wicked toungue!”

Sa mahabang post nito, ramdam mong nanggagalaiti sa galit ang ina ni Jessy pero nakakasingit pa siya ng verses sa Bible.

***

Hindi rin ito pinalagpas ni Jobert. Nakatihan din niyang mag-react sa post na iyun ng mommy ni Jessy.

Ani Jobert, “Gusto lang naming ibalik sa kanya ang tanong: papaano po ba ninyo pinalaki si Jessy? Maayos po ba? Matinong pagpapalaki po ba?

“Tinuruan n’yo po ba ang anak ninyo ng tamang values? Tinuruan n’yo po ba ang anak ninyong maging mabait sa kapwa? Tinuruan ninyo po ba ang anak ninyong maging magalang?

“Tinuruan ninyo po ba ang anak ninyong maging maayos makiharap sa ibang tao? Kasi, parang hindi namin nakikita kaya po kami nagtatanong.”

Parang hindi maganda itong mga sunud-sunod na negatibong isyu kay Jessy kung isasabay sa pagrampa niya bilang Sexiest Pinay ng FHM.

Hindi rin nakakatulong kung papatulan ang bashers na hindi naman nila kilala.

***

Ewan kung pati kay Luis Manzano ay makakatulong din na sumali sa pagpatol sa bashers para ipagtanggol si Jessy.

Sila na rin mismo ang nagpapalaki ng isyu sa pagpapatol sa mga namba-bash sa kanila.

Maging maingat na rin sana sila sa pagpili ng makaka­laban nila.

4 Responses

  1. FHM lang ang title nalunod na agad sa isang kutsarang tubig, hindi naman kapuri-puri yang award na yan noh? para lang sa mga malilibog yang FHM na yan