Jessy, pinagnanasaan ni Derrick

Derrick Monasterio

PORMAL nang ipinakilala bilang millennial Regal Baby si Derrick Monasterio kahapon.

Hindi pa masabi nina Roselle Monteverde kung ano ang unang pelikulang gagawin niya sa Regal pero kung si Derrick ang papiliin, gusto niyang makagawa ng isang episode ng Shake, Rattle & Roll.

Kung ibabalik ni Mother Lily ang naturang horror film na pang-MMFF, sana eh maging part daw siya nito.

“Sikat kasi ‘yun, eh. Gusto ko talaga ‘yung horror,” pakli ni Derrick.

Pero ang sabi ni Roselle, ang gusto sana nila eh medyo mature na ang ibibi­gay na role sa Kapuso young actor.

Medyo sexy, dahil sinasabi naman ni Derrick na okay lang sa kanya ang magpaka-daring sa pelikula.

Okay lang kay Derrick kung medyo sexy na siya sa pelikulang gagawin niya sa Regal.

“Okay lang po ‘yun, basta huwag lang kita lahat,” pakli nito.

Basta maganda ang project at kailangan sa istor­ya, okay si Derrick sa ganu’n ka-daring.

Alam niyang hindi siya pababayan ng Regal at ng GMA Artist Center.

Jessy Mendiola
Jessy Mendiola

Tinanong na rin namin si Derrick, sakaling sexy movie na agad ang ibibigay sa kanya ng Regal, sino ang gusto niyang maka-partner.

“Si Jessy Mendiola!” mabilis niyang sagot sa amin.

“Gusto ko talaga si Jessy, eh.”

Aminado ang Kapuso young actor na crush niya si Jessy dahil nagandahan siya sa mukha nito.

May nag-comment na type ba niya ang mga pata ni Jessy? “Hindi naman!” depensa nito.

“Pero okay nga ‘yun eh. Ayoko naman ng masyadong payat,” deretsong sagot ni ­Derrick.

Tipo pala ni Derrick ang medyo ma­laman kagaya ng katawan ni Jessy.

Nagkita sila ng FHM’s Sexiest sa pictorial noon ng Bench, at gandang-ganda siya sa mukha nito. Hindi lang sila nagkatsikahan ni Jessy.

Dahil sa ginu-groom si Derrick bilang sexy actor, ang daming nag­lalaway na mga kabadingan sa sexy pictorials nito.

Mas napa-flatter pala si Derrick kapag nalaman niyang type siya ng mga bading.

“Para sa akin, nakakatuwa po ‘yun. Kasi, para rin po silang girls, eh.

“Kumbaga, mas mataas ‘yung taste nila kesa sa mga babae. Para sa akin mas compliment ‘yun kesa crush ka ng babae.

“Halimbawa, sinasabi nila na crush ka ng babae, okay lang. Pero ‘yung crush ka ng bading, ah talaga? Ganun po ang da­ting sa akin,” nakakaaliw na sagot ng Kapuso sexy young actor.

Doon na rin inamin ni Derrick na nakakatanggap siya ng indecent proposals mula sa mga ma­yayamang bading.

Hindi raw niya nakikilala pero idinadaan sa bugaw na nagte-text sa kanya kung okay lang sa kanya na pumatol sa mayamang bading.

“Hindi naman po pinakilala sa akin ‘yung gay talaga kasi high profile daw.

“Mukha po kasing legit kasi ‘yung details na binibigay niya du’n, parang totoo, eh,” medyo naalangan niyang kuwento.

Ang bonggang offer sa kanya ay isang condo unit pag pumatol sa mayamang bading na inialok sa kanya ng bugaw.

“Hindi ko naman po nire-reply-an, eh. Nagti-text lang, pero ‘di ko sinasagot,” kuwento pa ni Derrick.

Never daw siyang pumatol sa ganu’n dahil naniniwala siyang kikitain naman niya ito.

Tama na raw na naging fans niya ang mga bading at pagnasaan siya, pero para pumatol, never daw talaga.

Bukod sa pagiging Regal baby ni Derrick, aba­la rin siya sa pagpu-promote ng album niya.

Madalas siyang nagmu-mall show para sa promo ng album niya at doon siya nakaranas na nahihipuan ng fans pero okay lang sa kanya.

Pinaghahandaan na rin ni Derrick ang gagawin niyang concert sa Music Museum sa September 23 na Oh Boys kasama sina Aljur Abreni­ca, Rocco Nacino at Jake Vargas.

“Maganda ‘yung concept namin, pero hindi siya hubad-hubad, pero sexy ang dating,” dagdag na kuwento ni Derrick.