GRABE maka-comment ang ibang fans sa tinanghal na FHM Sexiest Pinay 2016 na si Jessy Mendiola.
Ang dami naming nakitang social media posts na karamihan ng komento ay wagas kung makapanlait sa Kapamilya star.
Tila mas lamang ‘yung mga nam-bash kesa pumuri sa itsura ni Jessy nang rumampa ito sa annual event ng FHM.
Kung hindi CHUBBY, CHUNKY at CRISPY ay diretsahang malaki ang pata, mukhang bloated at hindi deserving ang kadalasang sinasabi nila kay Jessy.
Ayon sa mapanuring mata ng netizens, hindi nadaya ng red runway outfit ni Jessy ang kanyang taba.
Maging ‘yung super-tight, red one piece niya ay hindi rin kaaya-aya ang dating sa fans dahil mas na-highlight ang nagmumura niyang mga braso at hita, pati na ang tila sasabog niyang dibdib.
Nang sumayaw si Jessy, pansin nilang ang bigat ng katawan nito at parang hindi gaanong makagalaw.
To some fans ay outright undeserving ang 23-anyos na dalaga dahil mas sexy pa ‘yung host ng event kesa rito.
Ang nabasa naming usual comments, dapat ay si Jennylyn Mercado (#1 last year at #2 ngayon) na lang ulit o kaya ay si Nadine Lustre (#3 at nanguna sa simula ng botohan).
“Ano ito, JOKE?!” comment ng isang unhappy fan.
Pati ‘yung isyu ng pagiging PRIMADONNA ni Jessy ay naungkat. Sana raw ay pinarampa rin sa stage ang body guards nito.
Alam ni Jessy na mataas ang expectations kapag ikaw ang nanalong Sexiest Woman ng FHM kaya sana ay nag-extra effort siya to look her best para hindi siya mapulaan dahil sa ayaw niya’t sa gusto ay makakatikim siya nu’n.
In fairness, sa mga pa-bikini post niya noon sa Instagram ay wapak na wapak ang kaseksihan niya.
Kung ganu’ng katawan ang inirampa niya sa Valkyrie ay malamang napahiya ang mga mapanlait na bashers niya.
Medyo iba ‘yung nakita sa kanya ng fans nu’ng Tuesday night kaya may mga hindi kumbinsidong bagay sa kanya ang nakuha niyang titulo.
May humirit pa na mas sexy pa kay Jessy si Marian Rivera-Dantes na nanganak na.
Dumalo sa event ang 3-time Sexiest Woman na si Marian, na Hall of Famer na sa FHM.
‘Chubby is the new sexy’ raw pala ang bagong tagline ng FHM, hindi na-orient ang bitchy fans.
At kung MAJUBIS naman daw pala ang labanan, sana ay si Cai Cortez na lang ang ginawang #1 sa listahan!
Kalerky! ANG HARSH!!
May ilan din namang ipinagtanggol si Jessy at humirit na tigilan na ang BODY SHAMING at CYBER BULLYING.
Katwiran ng mga ito, sexy comes in many shapes and forms.
At saka hindi kasalanan ni Jessy na siya ang nanalo dahil binoto siya ng mga tao sa nasabing poll ng FHM.
Kahapon ay may IG post si Jessy na ang mensahe niya ay, “I have learned that being sexy is not about how your body looks, it is how you feel about it.
“When you learn to embrace your flaws and love yourself, then you become truly beautiful and sexy.
“I only have one body. I will love and cherish it because this is what God blessed me with. I am thankful that I can run, jump, dance, walk and move everyday.
“Thank you FHM for the opportunity to let everyone know that we are all kinds of sexy. To everyone who voted for me, thank you for being with me in this journey.
“Let us help each other spread a message. A message that says everyone can be sexy, no matter your size, body type or shape. As long as you are happy and strong, you are sexy.”
She has a lot of bashers because of her attitude. Ang yabang niya sa interview portion. Talo pa raw niya si Pia Wurzbach “sexiest with a heart daw siya”. then she addressed the bashers na may pagmamalaki pa.. “keep em coming daw” “Hell, I’m the sexiest woman right now” – Jessy Mendiola.. with matching smirk… I hope she sees herself. she comes off as arrogant and ang yabang….
di ka majoke? wag puro seryoso brad. Tatanda ka agad niyan.