Jessy tinawag na ahas

Isang basher ang nagbungkal ng isyu tungkol kay Jessy Mendiola at sa ex ng kanyang boyfriend na si Angel Locsin.

Hirit ng isang iamxavier27 kay Jessy: “Buti pa si Angel dami offer sa kanya… bakit ikaw tagal-tagal na wala pa… sa bagay ano nga ba naman sinabi mo sa kanya e kakalabas mo lang nalaos kn… jinowa mo pa si Manzano ayan tuloy nganga hahaha! Ganda lang meron ka wala namang TALENT ay meron pala kundi L____i palagyan mo hair mo AHAS para pag si Angel naging DARNA ulit ikaw naman yung kalaban nyang AHAS ay bagay promise hahaha!”

May nagtanggol naman kay Jessy na hindi nito alam ang buong istorya. Depensa pa niya, walang inahas o tinapakang tao ang aktres.

Nag-react din ito sa pagiging bastos ng nabanggit na basher. Tinanong ito kung bakit galit na galit kay Jessy samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

Payo pa niya, magbasa ito at huwag basta sumagap na lamang ng fake news. (Archie Liao)