Abot hanggang tenga ang ngiti ni former Ginebra forward Jett Manuel nang dumugin ito ng kababaihan.

Hindi lang kasi simpleng mga Eba ang pumulupot sa kanya kundi naka-swimsuit pa ang mga ito at karamihan ay mga nakabikini o two-piece.

Kinaiinggitan naman ito ng mga Adan nang i-post ng dating player ang nasabing larawan sa Instagram.

“Best bachelorette I’ve ever been a part of. Love you @issalagman. Can’t wait for your big day! #ManOfHonor #Issiargao,” caption ni Jett sa nasabing litrato.

Magugunitang si Jett ang isa sa pinakamaagang manlalaro ng PBA na nagretiro dahil mas pinili nitong ituloy ang kanyang karera bilang isang inhinyero.

Nagkamada rin ito ng isang kampeonato para sa nasabing team taong 2018 sa PBA Commissioner’s Cup. (Aivan Episcope)