Masuwerte ang pasok ng 2019 sa dating Mocha Girls na si Jhane Santiaguel. Inuulan agad siya ng maraming raket sa showbiz. Siya ‘yung babaeng kasama sa music video ng Ex Batallion na “Hayaan Mo Sila.”
Katatapos lang niyang mag-photo shoot sa Maldives para sa isang designer ng gown.
May malaking event din siya sa January 22 sa Araneta Coliseum. Endorser kasi siya ng Brilliant Skin sa loob ng dalawang taon.
Zero ang lovelife ngayon ni Jhane. Hindi muna raw siya nagi-entertain ng manliligaw. Pero idiniin niya na ayaw niya ng taga-showbiz.
Ibinisto rin niya ang kanyang sikreto kung bakit type siya ng kalalakihan.
“Kasi mas focus ako sa family at career. May pangarap at tiyaga,” deklara niya.
Ang ganitong katangian ay malaking factor para tumindi ang karisma niya.
Anyway, kaarawan ni Jhane sa February 3. “Di ko pa sure kung ano ang gagawin. Ha!ha!ha!,” lahad pa niya.