Jhoanna, Bea positibo pa sa L’Eagles

Nananatiling positibo ang mga beterana ng Ateneo de Manila University na sina Jhoana Maraguinot at Bea de Leon sa kabila ng masamang umpisa ng Lady Eagles sa 80th UAAP Womens Indoor Volleyball Tournament.

Nakatikim ng ikalawang sunod na bagsak ang Lady Eagles matapos ang limang set kontra National University Miyerkules ng hapon 25-19, 25-19, 20-25, 12-25, 15-7, sa Filoil Arena, San Juan City.

Una nang natalo ang Loyola Heiights-based volleybelles sa Far Eastern University noong Linggo sa isa ring five-set marathon, 19-25, 25-21, 18-25, 25-20, 15-9.

“Parang it’s still okay. Because five sets ‘yung both loss namin. In a sense, we didn’t give up pa ‘rin, lumaban pa ‘rin, kinakapos lang sa dulo,” saad ni Bea.

“At this point, we just have to believe in each other and my teammates. Wala, it’s a loss, but we’re not out,” dagdag ni De Leon.

Aminado ang dalawang makaranasang balibolista na mahina ang kanilang tanggap ng bola.

“No naman (I’m not frustrated). As I said, medyo expected nga kasi bago libero, less receives, and they aren’t the best also. I mean, we have to be realistic. You really can’t give it all to me, in that sense,” pahabol pa ni De Leon.

“One thing din siguro is bago ‘yung liberos namin. Marami sa amin, matagal na with the team pero yung liberos naming bago pa kasi,” hirit ni Maraguinot. (Christian Cortez)