Hindi kinaya ni comedian Jim Carrey ang bagong patama ni US President Donald Trump sa dating Democrat leader na si Barack Obama.

Sa tweet ni Carrey, kanyang inubuhan at pinahiran ng sipon si Trump habang siya’y nanonood ng patama ng presidente kay Obama.

Sa talumpati ni Trump, kanyang pinalutang ang ‘Obamagate’ na isang conspiracy theory ng kasalukuyang US President na balak siya’y patalsikin sa pwesto ni Obama.

Tinawag pa ni Trump na ‘biggest political crime in US history’ ang tinuringan niyang Obamagate. (RP)