tonite-this-is-it-roldan-castroHindi nakapagtimpi si Angeline Quinto sa trending na isyu ni Jimmy Bondoc sa ABS-CBN 2. Pasaring niya sa male singer:

“Bilang isang singer, hindi ko kinakaya ang nakikita kong post na ga-ling sayo Kuya.Hinaha-ngaan pa naman din kita bilang katrabaho at bilang kaibigan. Nalulungkot ako kasi ABS-CBN ang naging pa-ngalawang tahanan ko, Oo hindi pa ako kasing tagal ng ibang nagtatrabaho sa estasyon na ito, pero para ganun ang maging hiling mo para sa ABS-CBN hindi ko kaya Kuya.

Ang dami kong naging pamilya sa estasyon na ito at dinamay mo sila lahat. Puro english ang post mo, isang bagay lang ang itatanong ko, nasaan ang salitang utang na loob sa pagkatao mo.”

Kahit si Sunshine Cruz ay may post din sa kanyang Facebook account.

“Year 2013. Nung panahong lugmok ako, walang pera, walang matirahan, ABS-CBN ang nagbigay ng tsansa na makabalik ang isang katulad kong bagsak na bagsak ang moral. I will always be GRATEFUL to them. Naitaguyod ko ang a-king tatlong maliliit na anak, nakapundar ako ng maayos na tahanan na aming tinitirahan ngayon. At nakakakakain kami ng nasa oras dahil sa pagtitiwala ng ABS-CBN sa isang katulad ko.

“Hindi ako kailanman magagalak na mawalan ng trabaho o pangkabuhayan ang nakararaming tao na nagtatrabaho ng maayos para matulungan ang kanilang pamilya dahil kailanman ay hindi ito tama.

“Guys, freelance artist po ako. I have worked with both networks. Grateful sa parehong networks for the work and chance. Marunong lang po tayong tumanaw ng utang na loob sa mga tao na naging bahagi ng ating growth at success. Hindi dapat ipag-bunyi ang pagkawala o pagsasara ng isang company na nakakatulong sa maraming tao at pamilya.”
Award!
***

Mga netizen imbyerna
sa walang basehang
paratang ng singer

Kilalang vocal sa kanyang mga opinyon ang aktres na si Angel Locsin, at latest sa kanyang matapang na pahayag ang tweet niya sa singer na si Jimmy tungkol sa mga patutsada nito sa “biggest TV network” sa bansa.

Malapit talaga sa masa si Angel, kaya alam niyang mara-ming mamamayan ang maaapektuhan kapag nangyari ang wish ni Jimmy na magsara ang “biggest TV network.” Women’s rights advocate din ito, kaya vocal din siya pagdating sa sexual harassment issues.

Agree ang mga netizen sa statement ni Angel at talagang galit na galit sila sa mga diumano’y walang basehan na paratang ng singer.

“Ang tanong bakit nga-yon nya lang to in-expose? Dahil hindi na sya nagtatrabaho sa ABS-CBN at si Duterte na ‘nagpapa sweldo’ sa kanya? Ang dami nyang time noon na tanggihan ang mga guesting sa ASAP, Showtime etc, pero bakit ngayon lang? Medyo hypocrite lang,” tweet ni @imortaljoey.

“______. di ka naman sikat.. Isang kanta lang alam ko sau d ko pa kabisado ly-rics… Kumukuda lang para mapansin! Better open to d public ur comment section…wag duwag,” maanghang na patutsada naman ng isa pang Facebook user na si Eunhe Megunyi.

Komento pa ni @JaniceOnDisPlay sa Twitter, “Jimmy Bondoc how ____ dare you? Thousands of people’s jobs could be at risk and you’re just gonna be a DDS ****tard? I also depend on them, even if I’m just a dubber. Well let’s return the favor. I hope for your career’s demise, too… OOPS!!! You don’t have one.”

Mahirap nga namang magsabi ng mga akusasyong wala namang basehan. Kaya dapat tayo mag-ingat sa mga sasabihin natin sa social media!
***

TV executive pinalagan

Hindi rin nagpaawat si Jimmy na sumagot sa TV executive na si Deo Endrinal sa post na “Thousands of us working in ABS-CBN are thankful for the many opportunities, I think you should be thankful too. #ThePo-werOfGratitude.”

Sagot ng singer sa kanyang Facebook account:
“Sir Deo, boss, amo… linawin lang natin.

“1) Gratitude to the many good people in a certain network has NO-THING TO DO with the malicious news and info and alleged harassment cases that occur in its rooms;

“2) It also has ABSOLUTELY NOTHING TO DO with the alleged unlawful transfer of a network’s ownership to the unwarranted benefit of a few individuals. That is for the courts to decide. And the grant or extension of a permit is the government’s prerogative.

“3) Lastly, jobs need not be lost if there is a change of ownership. Bakit tatanggalin ang mga walang kasalanan? And if illegally removed, meron namang legal recourse ang employees.

“Are you saying that for example- KUNG MAPATUNAYAN nga na hindi makatarungan ang pag-ari ng isang indibidwal sa isang network, kakampi pa rin kayo sa lumabag sa batas? Tanong lang po, boss sir amo chief Deo, boss, amo…”