May mahabang aria si Jimmy Bondoc na ang tanging claim to fame ay ang isang kantang sumikat. Bungad niyang post sa kanyang Facebook account: “I am so excited to see the biggest tv network close down.”
Gusto ko lang ipaalala sa kanya na minsan sa kanyang buhay mang-aawit, tumuntong siya sa nasabing network, naging bisita sa musical variety shows nito at maaaring kinanta ang nag-iisa niyang kantang sumikat at nakapag-production numbers sa ibang pagkakataon.
Hindi kita hinuhusgahan. Ayaw ko na sanang patulan ang pagmamarunong mo pero hindi ito ang panahon na dapat tumahimik lang at pabayaan ang paglalahad mong wala sa hulog.
Sa totoo lang, you have not contributed much in the field of arts and culture. All you have is one hit. ‘Yung istasyon na inaakusahan mong who have ruined the common folks, mas appreciated pa nila ang katotohanan na this company is into film restoration dahil nga alam nilang film mirrors the prevailing culture of a given time. It has produced countless television programs that have been awarded locally and were acclaimed internationally.
Hindi mo rin puwedeng itanggi na this network brings cheers, dreams realized, happiness, laughter, nostalgia with programs and products that highlight the best traits and talent of the Filipinos.
Kung ang mga bagay na ito, para sa iyo eh ruining the moral fiber of the Filipino, eh itong ginagawa mo, sa tingin mo, it does not inflict anger, pain and fear?
What kind of person are you, really? Hindi ba kapwa Pilipino ang mga gustong mong mawalan ng mga kabuhayan? May drama ka pang hindi iyan ang end all and be all mo dahil hindi naman lahat matatanggal at ‘yung mga deserving to stay will remain in their posts? May ganyan ka pang paliwanag? Sa rank and file walang gagalawin? Sa administrative, technical and production staff, as is where is? You must be kidding kung ganyan ka-naive ang pananalig mo na when a new management supposedly comes, people who has been there from the very beginning will stay? Ang talino mo!
Hindi ba kapwa Pilipino mo rin ang malulumbay at magiging miserable, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon dahil nga ang galing-galing ng mga economic planners at pamunuan, gusto mo pa talagang dagdagan ang list of possible people in the unemployment list? Ano ba ang posisyon at upuan mong sinasalo ang malapad mong balakang at hindi ka na yata makatayo at makita ang sitwasyon sa kasalukuyan tapos kinalulugod mo pa ang isang pangyayaring mas marami ang maaapektuhan?
Wala bang halaga sa iyo na maraming kapwa Pilipino mo ang mawawalan ng libangan, kaalaman, halakhakan at mga ngiti? Hindi maikukubli na ang mga programa, artista, mga gawaing maka-sining at kultural, kahit pa nga popular ang perspektibo, eh nakakaramdam ng kaluwagan, kaligayahan, pag-asa sa mga pinanood at sinusubaybayan nila?
Mga akusasyon at alegasyon ka, asan ang pruweba? Asan ang hawak mong ebidensya at patotoo? Sa tanong mong ito, “on the acquisition of ownership by its current owners in light of the allegations that it was transferred to them to the disadvantage of the government?”
Sigurado kang noong panahon ni late President Corazon Aquino, the move was disadvantageous to the government knowing na may mga legal expert na tiyak eh pinagdebatahen at pinag-usapan ang muling pagbabalik sa mga Lopezes ng istasyon?
If that is the case as you claim it to be, ilang pangulo ang nagdaan matapos ang namayapang si Mrs. Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo, ‘wag nating isama ang panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino, gusto mo bang sabihin na hindi nila alam, wala silang malay na ang gobyernong kanilang pinatakbo dati, eh dinehado pala sila sa ABS-CBN?
Saan galing ang kunyari matalino mong pahayag? Para naman matauhan ka, uminom ka kaya ng black coffee na walang sugar, laklakin mo 24/7 para magka-nerbiyos ka naman.
***
Starlet ‘di na virgin
Si Divine Aucina, hindi na raw birhen! Ay, ito na yata talaga ang major, major the WHO! Si Divine Tetay kahit paano may recall pero itong si Aucina, sino talaga siya? May artista pala na ganyan ang pangalan? Is she one of the oh-so-many starlets populating showbizlandia?
Kailangan ba talagang malaman na ang kanyang flower ay touched na o hindi pa?
Juice colored! Dahil sa chikang ito, para tuloy gusto kong pangalanan ang director na “demonyo” ang turing sa isang manager.
Gusto ring ibahagi ang pang-aaglahi nitong director sa kapwa niya director na sinabahin siyang “let it go!” ang pinagnanasaan niyang baguhan. Para kasing disipulo ng Aljur Abrenica’s Machete School of Acting ang baguhan. Kahit anong pukpok, kahoy na kahoy pa rin!
Eh mas matigas ang ulo ni direk sa baba kaya ginawa niya pa ring bida si acting bano. Ayan, karma is real! Walang eskrimahang nangyari. Flop ang movie! Hahahaha!