Ayaw paawat ng former singer at ngayon ay nanunungkulan bilang Vice President for Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) na si Jimmy Bondoc dahil may bago na naman siyang post kahapon sa Facebook bilang follow-up sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag kamakailan laban sa ABS-CBN.
Sa bagong post ng singer, he tells people to watch and learn dahil babanatan na raw ang pagkatao niya.
“Are you still watching? MALAMANG, HINDI NA. At…
“Alam na alam ng networks yan! Sukat nila ang attention span ng tao.
“Just WATCH! Dyan nila isisingit ang mga pag DISCREDIT sa akin. Dyan nila babanatan yung PAGKATAO ko.
“Kasi, hindi na madami ang nakabantay e. They also know that most people wouldn’t want to get involved anyway.
“JUST WATCH! Don’t get involved, pero watch.
“And to all of you who have been worried, sala-mat po. I am ok.
“But WATCH WATCH WATCH! Watch the process. May METHOD sila sa TOTAL DESTRUCTION of a MAN, his reputation, his career, his life. They do it without guilt, because they just ASSIGN DIFFERENT PARTS OF IT TO DIFFERENT PEOPLE. WATCH! LEARN,” ang buong nilalaman ng post ni Jimmy.
Bukod dito ay nagpa-interview ang singer kay Mocha Uson na tulad niya ay strong supporter ni President Rodrigo Duterte. In fairness ay humingi naman siya ng dispensa sa nakasagutan niya sa social media na si Angel Locsin.
In-upload ni Mocha sa kanyang YouTube channel last Sunday ang panayam niya kay Jimmy.
“Una sa lahat, buong-buo po ang respeto ko sa inyo bilang babae, bilang kapwa entertainer. Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan. Diyan po nagmumula ang maraming problema ng bayan natin. Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha ‘yung buong side ko,” ang simula ni Jimmy.
Kung nasaktan man daw niya si Angel at iba pang mga artista, humihingi raw siya ng paumanhin.
“So ang message ko lang is, kung ano po man ‘yung personal na nasaktan sa kanya du’n sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po dahil walang-wala pong ganu’ng patungkol ‘yung aking message.
Pakiusap pa niya kay Angel, sana raw ay huwag na itong ma-galit sa kanya.
“‘Wag na kayong ma-galit sa akin ma’am. Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban. Ako po’y hamak na government employee,” saad pa ni Jimmy.