Jimuel Pacquiao suportado ni Manny sa pag-aartista

Suportado ng Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao ang anak na si Jimuel kung sakaling pasukin nito ang mundo ng showbiz. Hindi pa man ito nagsisimula ay mayroon na agad itong offer.

Ang mas bonggang balita ay inaalok siya ng lead role para sa isang Hollywood action film.

Ani Manny sa isang press launch, “Sinusuportahan ko siya sa career niya pero parang mahirap yata ‘yung sa boxing. Gusto niya ‘yung boxing eh. Sa pag-aartista okay lang naman basta huwag niyang kalimutan ‘yung pag-aaral niya. Tapusin niya ‘yung pag-aaral niya.”

Maging sa buhay pag-ibig ng anak ay hindi rin niya nakakalimutang magbigay ng payo. Bilang ama umano ay nararapat lang niyang gampanan ang kanyang responsibilidad. Matatandaan na kamakailan ay nakarelasyon niya ang dating PBB housemate na si Heaven Peralejo.

Na-bash pa nga si Heaven dahil sa alegasyon na pineperahan umano niya si Jimuel, na mariin naman niyang itinanggi. (Ronaline Avecilla)