MAHIGIT dalawang linggo pa lang na nakapagpiyansa ang dating Sen. Jinggoy Estrada at nakuha niya ang pansamantalang kalayaan, nagbiyahe na ito labas ng Maynila.
MAHIGIT dalawang linggo pa lang na nakapagpiyansa ang dating Sen. Jinggoy Estrada at nakuha niya ang pansamantalang kalayaan, nagbiyahe na ito labas ng Maynila.
Nakita namin sa kanyang Facebook account na nasa Cebu siya. Nagsimba siya sa Sto. Niño de Cebu. Nai-post na nagdadasal siya sa Sto. Niño, at nagtulos ng kandila na ang caption sa post na iyun; “Lighting 7 candles and praying for the early release of my best friend Sen. Bong Revilla here in Basilica de Sto. Niño Cebu.
”Alam ni Sen. Jinggoy na 7 ang itinuturing ni dating Sen. Bong Revilla na lucky number kaya pitong kandila ang sinindihan nito.Sinagot ni Sen. Bong ang post na iyun na nagpasalamat siya sa kanyang kumpare.
Iyun naman ang dasal ng lahat na makuha rin ni Sen. Bong ang kalayaang pansamantalang nakuha ni Sen. Jinggoy dahil pinayagan siyang mag-bail.Kaya patuloy pa ring humihingi si Sen. Bong ng dasal na makuha niya ang katarungan at makamit ang inaasam na kalayaan.
Nu’ng nakaraang Martes ay natapos na rin ang paglilitis sa kasong plunder na isinampa kay Sen. Bong. Ang latest ngang impormasyong nakuha namin ay na-deny ang inihaing motion for reconsideration ng prosecution na i-recall ang isa pa nilang witness.
Kaya bibigyan sila ng dalawampung araw na makapag-file ng written form na offer of evidence.
Ang defense na panig nina Sen. Bong ay may 20 days na sagutin ang comments at actions ng prosecution, at maaaring mag-set ng motion for a hearing para rito.
Jose, Wally, Paolo aminadong Noranians
NGAYON lang napagtanto ng tatlong lola na sina Lola Tidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), at Lola Nidora (Paolo Ballesteros) na Noranian pala sila.
Ang Superstar Nora Aunor ang special guest nila sa kanilang pilot episode ng The Lolas’ Beautiful Show, at na-starstruck pa rin daw silang tatlo.
“Ang hirap niyang bitawan ng question. Ang hirap niyang bitawan ng mga jokes. Kasi siguro nakalakihan na natin na Nora Aunor siya eh,” sabi ni Jose.
Sabi naman ni Wally; “Parang ang hirap magtanong, kasi itatanong ba natin ‘to, eh Nora Aunor na ‘to eh. Baka mamaya sampalin ako nito, which is hindi naman mangyari. Kumbaga, idol eh. Ma-starstruck ka talaga.”
Kakaibang experience din daw kay Paolo dahil first time nga niyang makaharap at interbyuhin ang superstar.
“First time ko kasi siya nakausap nang ganu’n. Nakikita ko siya sa labas, sa restaurant, hindi nakausap nang ganu’n,” sabi ni Lola Nidora.
Sa mga susunod na episodes ay mas interesting guests pa ang interbyuhin ng tatlo.
Sana nga mas tutukan pa ito araw-araw dahil ito na lang nga ang nag-iisang showbiz talk show ng Kapuso network na may kakaibang Pinoy-style comedy.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 11:30 ng umaga bago mag-Eat Bulaga.
Aga, hindi pabor na mag-showbiz ang mga anak nila ni Charlene
TILA mas nai-excite si Aga Muhlach sa paggawa ng pelikula kesa sa magkaroon ng regular na TV show. Comedy raw ang huli niyang nagawa, pero ang mas inaasam daw niya ay makagawa ng matinong pelikula.
After 6 years na walang pelikula, masaya si Aga na naibigay sa kanya ng Star Cinema itong Seven Sundays na magsu-showing na sa October 11.
“‘Yun naman talaga ang gusto ko na makagawa ng pelikula. So, ito talaga na masayang-masaya ako na ginagawa naming pelikula.
“Feeling ko ito ‘yun eh. So, hindi nga ako nagkamali,” pakli ni Aga.
Kaya pagkatapos nitong Seven Sundays, may kasunod daw siyang gagawin na maaaring sisimulan na sa susunod na buwan.
Samantala, muling natanong sa aktor kung handa na rin ba siyang papasukin na ng kambal niyang sina Atasha at Andres ang showbiz. May mga offers na kasi sa anak nila ni Charlene Gonzales, pero hesitant pa silang mag-asawa na tanggapin ito para sa kanilang kambal.
Pero sabi ni Aga; “Sa akin naman there’s nothing wrong if they really want to be in the entertainment industry. It’s just that they’re visibility sa school. So, right now I just want them to finish their studies.
“I’m not saying this just because para masabi ko lang, but tapusin muna nila. Then, pagkatapos then I will let them decide. I will not decide for them,” dagdag ni Aga.
Michelle Vito, hindi kayang rumampa nang naka-bikini
MASAYANG-masaya na naman si Mother Lily dahil tiyak na mababawi niya ang puhunan niya sa The Debutantes.
Ayon sa mga taga-Regal Films, naka-P3.5 million daw ang first day of showing nito. Puwede pang tumaas ngayong weekend dahil dito makakalabas ang mga bagets fans lalo na ang mga followers nina Miles Ocampo at Sue Ramirez.
Napanood namin ang naturang pelikula at ang isa sa nagulat kami ay ang magandang rehistro ni Michelle Vito sa screen. Napakaganda niya na sabi nga ng karamihan, puwedeng-puwede siyang maging beauty queen.
Tinanong namin si Michelle kung type ba niyang sumali sa Bb. Pilipinas, dahil sa edad na 20, 5’6” na ang height niya, at puwede talaga siyang magka-title.
“Actually, ay mga nagsasabi po talaga na sumali sa Binibining Pilipinas. Hindi ko po kinu-close ‘yung door ko na puwede na sumali ako, pero hindi ko masasabing 100 percent sure na sasali ako, parang nasa 50-50 ako.”
Hindi raw niya kasi nakikita ang sariling rumarampa siyang naka-swimsuit.
“Ang unang rason ko kasi, hindi ko talaga kaya mag-swimsuit eh. Iyun talaga ang hindi ko kayang gawin na haharap ako sa maraming tao na iyun lang ang suot ko,” sabi ng Kapamilya young actress.