Jinkee, sinusulsulang ‘awayin’ ang babaeng ka-chat ni Manny Pacquiao!

jinkee-pacquiao

Kung pagbabasehan ang mga Instagram post ni Jinkee Pacquiao, tila hindi ito affected sa bagong isyu ng kanyang mister na si Senator Manny Pacquaio.

May kinalaman sa pagkakabuking ng mga American bloggers na si Frances Mariano na nag-comment si Manny kay Ria Chiuffo sa Instagram live feed nito.

Verified na IG account talaga ni Manny ang ilang beses na nag-comment sa live feed ng sports blogger na si Ria. At ang sumisikat ngayong comment ni Manny na, “you can call me anytime”.

All positive ang mga posts ni Jinkee at isa na rito ay may caption na, “Blessed Morning”.

Pero sadyang may mapapansin at ipapasok ng ilang netizens ang bagong isyu ni Manny tulad na lang sa selfie post ni Jinkee na parang galit daw ang look nito.

May nangahas pang magtanong na IG user na @chulovista na, “Andaming ka-chat ng asawa mo. Bat ganun? Nagsawa na ba si Manny sayo? Bored ba siya? Please explain.”

Siyempre, dedma lang si Jinkee sa mga tanong o tila pangpo-provoke rito ng ilang netizens.

Posible rin naman kasi na para kay Jinkee, walang malisya ang attempt ni Manny na makipag-chat.

Sabi nga ni Manny, “Lahat naman puwedeng makipag-usap sa akin nang live. Wala namang malisya.”