NI : ARCHIE LIAO
Umaani ngayon ng pamba-bash si Jinkee, ang asawa ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ngayon kasing naka-lockdown at stay at home ang netizens, may panahon silang mang-bash.
Hindi nila pinaligtas ang pagpo-post ni Jinkee ng kanyang pambahay outfit.
Hindi nila ma-take na ibinabalandra pa nito ang branded pajamas na nagkakahalaga ng humigit kumulang na P180,000 per set sa panahong maraming nagugutom dahil sa pandemyang dala ng COVID-19.
Sey nila, insensitive daw ito sa kanyang post lalo na sa panahon ng krisis.
Ipinagtanggol naman si Jinkee ng iba sa pagsasabing karapatan nito kung ano ang gusto nitong isuot.
Wala rin daw naman silang nakikitang masama dahil afford daw naman nitong maging fashionista dahil celebrity ang mister niya.
Kilala si Jinkee sa pagsusuot ng designer brands pero ngayon lang siya nasampulan dahil sa pagrampa suot ang mamahaling brands.