Jinri ayaw paawat sa COVID-19

Jinri ayaw paawat sa COVID-19

NI: Rona Ronda

Hindi papipigil sa coronavirus outbreak ang kasal ni Jinri Park sa kanyang fiance na si John. Bagamat inanunsyo na niya ang postponement ng kanilang kasal sa Sydney Australia, nagtungo pa rin sila sa simbahan para pumirma sa pagiging legal ng kasal nila.

“Today was our wedding day but due to the virus we decided to postpone it. We still went to the church to legally signed the registry and got married. The weather was perfect and we had John’s family there to witness,” saad ng caption.

Hindi na umano sila makapaghintay na mawala ang virus ng maganap na ang wedding day nila.

Sey pa niya, “can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk down the aisle 🙏🏻 stay safe and happy everyone! 3.21.2020 SWIPE. 3.21 2 4EVER.”

Sa kaseksihan, talino at ganda ni Jinri, kahit bagyo ay susuungin makaisang-dibdib lang siya. Gayunpaman, mas lalong nakakapanabik na makita ng groom ang kurbadong katawan ng host-actress at ang malusog nitong dibdib suot ang kanyang white wedding gown.