TILA nagpaka-fan girl si Jinri Park aka Juvila ng Encantadia nang makita niya sa set ng GMA telefantasya si Marian Rivera. Sa photo na pinost niya sa Instagram recently, nilagyan niya ito ng caption na, “With the Goddess herself @marianrivera on the set of Encantadia.”
Anyway, nagsimula nang maghasik ng lagim si Hagorn (John Arcilla) laban sa mga diwata.
Umiral na naman ang pagkaganid niya sa kapangyarihan nang pinaslang niya si Avria (Eula Valdes) upang makuha rito ang brilyante ng Hangin at Diwa.
Nakipagtuos na rin ang mga Diwata at Sapiryan laban sa mga Hathor at Etherian.
Sa paghaharap ni Hagorn at ng mga Sang’gre na mayroong hawak na tatlong brilyante, sino ang mananaig?
PRETTY KA DIN….