Pasabog ang salubong ng 2020 ng sexy actress na si Jinri Park. Ibinalita niya sa kanyang Instagram na ikinasal na siya sa kanyang Australia-based Filipino boyfriend.

Ang simpleng seremonya ay ginanap sa Korea bilang bahagi ng tradisyon ng aktres at ng kanyang pamilya.

Ang bonggang kasalan ay mangyayari sa darating na Marso ngayong 2020.

“Sharing my Korean wedding pictures. Welcome to our family John. Love you forever!” caption niya sa larawan.

Paglilinaw pa niya, “This wasn’t an official wedding, just a small ceremony for my family in Korea. Real official wedding is in March 2020.”

Marami man ang nagulat ay inulan pa rin ng pagbati para sa sexy actress. Congratulations, Jinri. (Rona Ronda)