JINRI, PATOK ANG TUTORIAL

Jinri Park

VIRAL sa social media ang video ni Jinri Park kung saan tinuturo niya ang ibig sabihin ng Korean words na madalas marinig sa mga koreanovela tulad ng saranghae at daebak.

Nakakaaliw!

Maraming K-drama fans ang natuwa dahil relate na relate sila sa words na nabanggit ni Jinri.

Lalo tuloy nakaka-excite ang upcoming primetime series ng GMA na My Korean Jagiya.
Malapit nang makilala kung sino ang Korean actor na ka-partner ni Heart Evangelista.

Pustahan, bagong oppa na naman ang magiging crush ng bayan!

***

Back-to-back ang mga Koreanobelang All About My Mom at Mirror of the Witch si­mula bukas ng umaga sa GMA.

Ang All About My Mom ay kuwento ng isang pamilyang nagsisikap na magkasundo sa kabila ng hirap ng buhay.

Pinapaboran ni Wilma (Ko Du Shim) ang panganay na si Vincent (Oh Min Suk).

Kinailangan pang isakripisyo ni Annie (Eugene) ang kanyang pag-aaral para makatapos ang kuya niya, habang binabayaran ang mga utang ng amang si Douglas (Kim Kap Soo).

Sa pagsisikap sa trabaho ay magiging malapit siya sa kanyang boss na si Natalie (Kim Mi Sook), na pagseselosan ng kanyang ina.

Paano babalansehin ni Annie ang kanyang responsibilidad bilang anak at ang sariling pa­ngarap sa buhay?

Subaybayan ang kwento nila Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Kapuso Movie Festival.

***

Susundan ito ng ng Mirror of the Witch na tungkol sa sinaunang panahon sa Korea kung saan isang reyna ang hindi mabiyayaan ng anak.

Humingi ang reyna ng tulong sa shaman na si Hong Joo at nabigyan siya ng kambal — ang babae na si Yeon Hee (Kim Sae Ron) at ang lalaki na si Soonhwae (Yeo Hoi Yon).

Kapalit nito ay isang sumpa na nagpapataw sa kambal ng kamata­yan pagsapit ng kanilang ika-17 taon.

Bawal din silang umibig dahil mamamatay ang kahit sinong mapaibig nila.

Paano nila tatakasan ang sumpa?