Jio, Mark maghahasik sa rubbermatch vs Ginebra

Nagpakita sina Jio Jalalon at Mark Barroca sa Smart Araneta Coliseum noong Lunes at tinambakan ng Magnolia ang Ginebra 106-107.

Non-factor ang dalawa sa 86-75 loss ng Hotshots sa opener ng quarterfinals series ng PBA Philippine Cup noong Sabado.

Naitabla ang best-of-three sa tig-isang laro, balik ang Manila Clasico sa Big Dome mamaya para desisyunan ang uusad sa semis laban sa naghihintay na Rain or Shine.

May pinagsamang 7 points lang ang dalawa sa opener noong Sabado, sa praktis kinabukasan ay nangako kay coach Chito Victolero na babawi sa Game 2.
“They told me yesterday they will go all-out in this game,” pahayag ni Victolero pagkatapos ng series-tying win. “Thankful and proud of these two guys.”

Pinuno ni Jalalon ang stat sheet sa kinamadang 17 points, 6 assists, 5 rebounds at 5 steals. Si Barroca, nagsumite ng 13 points, pito sa first quarter una ang anim sa 11-0 start ng Magnolia.

Malaking ayuda sa game-highs 21 points at 9 rebounds ni Ian Sangalang sa Hotshots.

Nahawa na rin sa sipag at gigil nina Jalalon at Barroca ang ibang teammates, tulad ni Robbie Herndon na nagsumite ng season-best 18 points at si Rome dela Rosa na may 11. (VE)