Jiro nagpiyansa ng P12K

Jiro nagpiyansa ng P12K

Noong Friday ay lumaya na si Jiro Manio matapos siyang magpiyansa ng P12,000.

May mga hearing pang kailangang siputin si Jiro para idepensa ang kanyang paglaya.

Matatandaan na nakulong si Jiro sa Calumpang Police Station dahil sa pananaksak niya kay Zeus Doctolero. Pero nakita naman sa CCTV na self-defense lang ang ginawa niya. Pinagtripan umano siya ni Zeus nang magkasalubong sila. Hinampas siya nito ng helmet sa ulo nang dalawang beses na naging dahilan para saksakin niya ito. (Rommel Placente)