Jisoo tsugi sa website ng agency

Sunod-sunod na kontrobersiya ang kinaharap ng YG Entertainment simula pa nu’ng early 2019 . Isa ito sa nangungunang agency sa South Korea at marami silang hawak na sikat na singer at artista.

Nagsimula ang isyu sa YG sa kaso na kinasangkutan ng dating member ng BIGBANG na si Seungri at boss ng YG Entertainment. Since then, hindi na natapos ang mga isyu sa agency. Meron na ring mga artist na umalis at lumipat ng ibang agency.

Marami pa rin naman ang nanatiling loyal kabilang na sina Sandara Park at natirang miyembro ng BIGBANG. Pero pagdating sa mga fan, marami na ang may disgusto sa agency.

Ang mga fan ng number one girl group na Blackpink ay nagpapakita na rin ng disgusto . Kinukuwestiyon nila kung bakit daw nawala sa list ng YG’s website’s list of actors ang isa sa member na si Jisoo.

Ayon sa mga ito, “Jisoo had been removed from YG Entertainment’s acting label’s website. She was previously featured on the website for YG Stage but her profile has since been removed.”

Galit ang mga fan ni Jisoo sa pangyayari . Isa sa comment nga, “From this to this… Jisoo will never shine in that company! i hate it so much!”