tonite-pak-allan-dionesKinasuhan pala ng cyber libel ng kampo ni Darren Espanto si JK Labajo.

Ayon sa impormasyong ipinadala sa amin, ang nagsampa ng kaso ay si Darren Lyndon G. Espanto represented by Marinel Gonzales-Espanto laban kay Juan Karlos Labajo.

Violation of Section 4 (c) (4) of the Cybercrime Prevention Act of 2012 o libel, na may kasamang grave slander at defamation ang ikinaso.

Ayon sa Wikipedia, “The Cybercrime Prevention Act of 2012, officially recorded as Republic Act No. 10175, is a law in the Philippines approved on September 12, 2012.

“It aims to address legal issues concerning online interactions and the Internet in the Philippines. Among the cybercrime offenses included in the bill are cybersquatting, cybersex, child pornography, identity theft, illegal access to data and libel.”

Ayon sa aming source, si Mrs. Espanto ang nag-represent kay Darren dahil 17-anyos lang ito (sa May 24 pa mag-i-18 si Darren).

Si Juan Karlos ay nag-18-an­yos na nu’ng February 5 kaya puwede na itong sampahan ng kaso.

Nag-ugat pa rin ito sa “Gayness at its finest” tweet ni JK nu’ng October last year, na naging dahilan ng mainit na sagutan sa social media ng magkabilang kampo.

Itinanggi ni JK ang nasabing tweet at na-hack daw ang kanyang Twitter account.

Kaya naman pala ganu’n na lang ang pagkabuwisit ng “Buwan” singer at pinagmumura nito ‘yung sumigaw ng, “I love you, Darren!” sa Rakrakan Musicfest 2019 nu’ng March 1.

Nang makausap ng press si Darren sa mediacon ng “The Aces” concert kamakailan ay sinabi ng binata na gusto rin niyang matapos na ang hidwaan sa pagitan nila ng dati niyang kaibigan at ka-batch sa “The Voice Kids Philippines.”

Hindi pa namin alam ang tungkol sa nasabing demanda at that time kaya hindi namin nausisa si Darren hinggil dito.

Sa pagsasampa ng cyber libel case ay mukhang determinado ang mga magulang ni Darren na maturuan ng leksyon si JK.

Antabayanan natin kung hanggang saan ha­hantong ang usaping ito at kung may mga ipo-post na hanash si JK sa social media tungkol sa kasong ito.
PAK!!
***

Paul, Jak patalbugan sa abs

Hindi nawawala sa mall shows at regional shows ng “Kara Mia” cast ang pa­kitaan ng abs ng dalawang hunks nito na sina Jak Roberto at Paul Salas.

Nang makisaya sila kamakailan sa Araw ng Dabaw sa Davao City ay hinilingan na naman ang leading men nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na ipakita ang kanilang mga pandesal.

Iba ang kilig, kiliti at ligaya ng fans sa tuwing nasisilip ng mga ito ang pamatay na abs ng dalawang binata, kaya pinagbibigyan naman sila nina Jak at Paul.

Buti na lang talaga at babad din sa gym at may katawang panlaban ang yummylicious na si Paul dahil kundi hindi ay lagi siyang kakabugin sa Pandesal Battle ng Pambansang Abs na si Jak.

Sana maraming eksena ang Jak-Paul na litaw ang kanilang six-pack abs gabi-gabi sa “Kara Mia” pagkatapos ng “24 Oras.”