Naglabas ng saloobin ang aktor at singer na si Juan Karlo ‘JK’ Labajo sa Instagram story niya. Ito ay dahil sa mga larawan niyang chaka, na inilalabas umano ng ABS-CBN sa kanilang mga articles.

“Napapansin ko lang. Kapag may article kayo na tungkol sakin whether it be a good or bad one, palaging yung mga sobrang ­pangit na photos ko pinipili niyo.”

Kumpara umano sa ibang artista na plakado ang mga larawan sa article, ang kanya umano ay parang 3310 ang resolution na ginamit.

Ibinahagi rin niya ang isang article ng ABS-CBN tungkol sa kanya. Nakasuot siya ng stripe black and white shirt at ang nagpadilim sa awra niya ay ang kanyang black eyeliner at eyeshadow.

Pangangatwiran niya, “oh isa sa mga ­example. amp parang kakalabas ko lang ng bilibid niyan ah. grabe kayo beshie ang dami ko namang photos na bongga ang aura ko.”

Matagal na umano niya itong napapansin kaya naman ang suwestyon niya, “Madami naman akong solid picture gusto niyo send ko sa inyo PM niyo lang ako. Nakakasama kayo ng feelings ah.”

Mukhang nang-aasar pa ang singer dahil hinamon rin niya ang network na i-upload umano ang stories niya sa kanilang Facebook page. (Ronaline Avecilla)