Pagkatapos murahin ang fan sa Rakrakan Music Festival, maglintaya sa ABS-CBN the other day, ang media naman ngayon ang binanatan ni JK Labajo.
Ito ay kaugnay ng mga sinabi ni Teddy Corpuz ng Rocksteddy sa nakaraang presscon ng launching film nito na “Papa Pogi.” Nahingan kasi ng opinyon ang singer hinggil sa ginawang pagmumura ni JK.
Sa malas ay hindi nagustuhan ni JK ang mga sinabi ni Teddy kaya naman sa kanyang Instagram Story, ikinuwento niyang kinausap niya ang leader ng Rocksteddy about it and came a conclusion na ang media ang nagpasama ng issue.
“So I talked to papi teddy just now and he told me his side of the story. . .” ang simula ng post ni JK.
“Basically the media doing their media voodoo shit again of asking you a question and then twisting your words.
“So basically pinasama nila ang opinyon ni papi teddy. Ginawan nila ng paraan para magkaroon ng connection ang sagot ni teddy sa issue ko.
“Teddy and I talked to each other and apologized to each other kasi dapat nagmamahalan ang mga rockers.
“Labyu papi teds,” saad pa ni JK.
Kasunod nito ay tila pinangaralan ng singer ang media people.
“I know you media peeps are just doing your job of feeding all these chikas to pakialameros and pakialameras so that they have something to talk about while washing their clothes or having their hair fixed at the salon but I wish you guys would just give a little bit of respect (kasi wala kayong respeto mga kupal kayo) to NOT ask a question regarding a different topic to someone’s presscon promoting their movie.
“And also guys, moral lesson.
“There’s always two sides of a story. Or even three. Actually sometimes a lot. But anyways, before you do/say something, always know the context.
“Don’t do what I just did. Lab you papi teddy and push for existing,” ang pahayag pa ni JK sa kanyang IG Story.
Binanatan din ni JK ang push.com na online showbiz news site ng ABS-CBN at ipinost ang link ng article na may titulong “Teddy Corpus Reacts to JK Labajo Cursing During a Concert.”
Inakusahan ni JK ang nasabing online site na biased pero nagpasalamat naman sa ABS-CBN dahil maganda raw ang nilagay na picture sa kanya.
Character talaga itong si JK!
Kat niligawan si Erwin Tulfo sa IBC-13
Maraming plano ang bagong-upong president and CEO na si Kat de Castro sa IBC-13. Last October lang siya in-appoint ng ating Presidenteng si Rodrigo Duterte pero may mga pagbabago and improvements na siyang nagawa sa network.
Unang-unang plano niya ay ayusin daw ang signal ng network dahil humina na nga ito.
“That is one that I am fixing right now,” sabi ng anak ni Noli de Castro sa presscon held recently. “And eventually, maybe by next month, you will see IBC-13 again on free TV and then, inaayos ko na rin ‘yung live streaming ng IBC-13 sa lahat ng social media platforms.”
Ayon pa kay Kat, this week daw ay mapapanood na ang lahat ng mga minahal nating shows sa Trese sa social media.
Kung ang ABS-CBN daw ay Kapamilya, ang GMA-7 naman ay Kapuso at ang TV5 ay Kapatid, ang IBC-13 daw ay Kaibigan.
“Kung baga, open po kami kapag may mga artists na gustong mag-work with us whether nanggaling siyang 2 or 7, kung papayagan sila ng istasyon nila, puwede silang makipagtrabaho with us,” she said.
May mga changes din daw na gagawin sa News and Public Affairs at may mga bagong programs. In fact, she announced na kinukuha niya si Erwin Tulfo.
“I would really like to work with him pero sa ngayon kasi, busy pa siya dahil alam naman natin ‘di ba, nag-ano (abala) siya sa isang party-list, pero nagsabi na ako sa kanya na baka gusto niyang magka-programa sa IBC-13, usap kami,” sey ni Kat.
Natanong din siya kung ipipirata ba niya ang kanyang dad na si Ka Noli. Ilan sa mga bagong programa ngayon ng network ay ang OOTD (Opisyal of the Day), Tutok 13 at #Cooltura. Meron ding Ultimate Throwback kung saan ay ibinabalik ang mga dating shows na minahal ng taumbayan tulad ng Hapi House, Sic O’Clock News, T.O.D.A.S, at marami pang iba.