JM-Arci alipin ng sining

Ni Vinia Vivar

May “past” sina JM de Guzman at Arci Muñoz na magkatam­bal ngayon sa pelikulang “Last Fool Show” ng Star Cinema. Classmates sila dati sa University of the Philippines sa kursong Theater Arts at nagkasama sa Dulaang UP. Mga taong 2005 daw ‘yun.

Kuwento ni JM, pareho raw silang nag-start as crew sa Dulaang UP, behind the scenes lang daw sila at tawag nga nila sa sarili nila ay “utusan” at “alipin ng sining.”

Pero sabi ni Arci, that time ay artista na si JM at napapanood na niya sa TV.

Sabi ni JM, naaalala niya na siya pa raw ang tagapagtanggol ni Arci kapag hinaharang sa kalsada.

“Hinaharang ‘yan sa highway, naka-taxi kami, hinaharang siya ng kotse, tapos, kakatukin siya, kukunin daw siya sa talent agency. Tapos may isa pa, kumakain kami sa isang restaurant, tapos nilapitan din siya ng mga frat boys, inutusan, mga neophyte yata, ‘Ma’m, puwede ko po ba kunin number mo?’ Ang dami nila, hindi ako makaporma,” kuwento ni JM.

Never daw talaga silang nagkaroon ng “something” that time. At sabi nga ni Arci, ang crush niya raw that time ay si Kean Cipriano na naging boyfriend niya rin.

Sa showbiz na sila ulit nagkita at ngayon nga, for the first time ay pinagsama sila sa pelikula kaya masaya sila pareho. Kuwento nga ni Arci, talagang sobrang komportable raw talaga nila sa isa’t isa sa day 1 pa lang ng shooting.

Kinumpara kina Angelica, Piolo

Before “Last Fool Show,” nakatambal nila pareho ang iba pang malalaking artista. Si JM ay na­ging leading lady na si Angelica Panganiban sa box-office hit na “That Thing Called Tadhana” at si Arci naman, sa huling teleserye niya sa ABS-CBN ay si Piolo Pascual ang naging leading man.

Paano nga ba nila ikukumpara ang isa’t isa ngayon kina Piolo at Angelica?
Ayon kay JM, maraming common traits sina Angelica at Arci.

“Pareho silang transparent, eh. Na walang pakialam, carefree na parang totoo. Na alam mo ‘yun, kahit ano, puwede mong sabihin, hindi ka idya-judge, papakinggan ka nila. Tapos, walang plastikan bilang magkaibigan.

“Pagdating naman sa trabaho, pareho rin silang…alam mo ‘yung ‘pag may katrabaho kang you share the same passion, energy and hunger para mabigyan mo ng hustisya ang ibinigay sa ‘yong oportunidad. Pareho po silang may ganu’n. May kaluluwa, may puso.

“Nagkaiba lang siguro sila sa attack. May sari-sarili naman po silang atake.

“Pareho silang maganda and sexy, and sobrang lovable, talagang mamahalin mo kahit kaibigan, kahit fan,” pagde-describe ni JM kina Angelica at Arci.

Ayon naman sa aktres, ayaw raw niyang mag-compare kasi magkaiba naman daw sina Piolo at JM.

“They’re 2 different people. Just to be fair for the both of them, when it comes to work, they’re both professional, that’s all that I can say. I’m definite about that.

“And they’re both gentleman, and that’s really a big thing for me. Kasi ko kapag umaarte kami or on and off camera, they make sure that I’m comfortable, and inaalagaan ka.

“Si Em kasi ngayon, mas madalas ko siya nakakasama dahil sabay kami mag-workout, eh. So, kung sa trabaho rin lang, they’re the most passionate artists/people I’ve known and I’ve met, very passionate about their craft, and pareho po sila kung paano sila mag-alaga sa tao,” saad ni Arci.

Pareho na ring nakaranas ng heartaches sina JM at Arci sa kani-kanilang past relationships at timing naman na sa pelikula ay ginagampanan nila ang mag-ex. Kaya naman nakaka-relate raw talaga sila sa kani-kanilang role.

Malaking break sa Star Cinema

Happy si JM na finally ay nabigyan siya ng malaking break ng Star Cinema. Ito kasi ang first lead role niya sa naturang produksyon bagama’t marami na rin siyang nagawang movie before.

“Every boy’s dream, every actor’s dream, siyempre masaya. Siyempre, may pressure rin,” sabi ni JM.

Ayon naman kay Arci, ang mga ganitong klaseng pelikula na romantic-comedy ang mga gusto niyang gawin dahil napagod daw siya sa kagagawa ng drama noon.

Kaya naman siya raw ang nag-request na kung puwede naman daw ay comedy naman ang kanyang gawin.

Showing na ang “Last Fool Show” sa April 10 mula sa direksyon ni Eduar­do Roy, Jr.

Arci 4 beses niloko ng lalaki

Si JM ay nakaka-apat na GF na raw kasama na rito si Jessy Mendiola at si Arci naman had 3 relationships kasama na si Kean.
Without mentioning names, ani Arci, apat na beses na r
aw siyang niloko ng isang lalaki at ‘yung huli raw niyang ex ay g*go talaga. Pero nagpapasa­lamat din daw siya sa last boyfriend niya dahil kung hindi siya ginag* ay hindi siya makakaalis sa relasyon at hindi niya matatagpuan ang BF niya ngayon, ang businessman na si Anthony Ng.

Aminado naman si Arci na sobrang happy niya now at siyempre, kahit paano, bilang nasa edad na siya, napag-uusapan na rin ang settling down.

“Di ba, ganu’n naman, parang napag-uusapan po ‘pag ano, 30 na rin ako, I think I’m in the right age naman po to settle,” aniya.

Si JM naman ay single raw ngayon pero itinutukso siya ni Arci kay Ria Atayde. Both are happy for each other lalo na nga ang aktor at aniya, sobrang boto siya sa boyfriend ngayon ng leading lady.