JM-Barbie magkaaway, nagkaselosan kina Rhian, Axel

tonite-imo-vinia-vivar
Humingi ng dispensa si JM de Guzman kay Rhian Ramos dahil sa pagkakadawit sa issue with Barbie Imperial na leading lady ng aktor sa seryeng Araw Gabi.
Sa recent post ni JM sa kanyang Instagram account, bukod sa pagso-sorry ay nagpapasalamat din si JM sa “malupit na journey” na pinagdaanan nila ni Rhian.
“Tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagi­ging totoo salamat ng marami. All I have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin. Salamat nakatrabaho kita. salamat sa talento at inspirasyon. tibay mo.
Salamat sa tulong. Stay strong, alam ko medyo masakit na. im Sorry. ingat lagi kaibigan. Apir @whianwamos,” ang mensahe at caption ni JM sa larawan nila ni Rhian.
Ang sweet naman ng sagot ng aktres. Aniya, “M, i always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better. Dont ever lose that about you. But if you ever need an extra push, you know I’ll be there for you. It aint easy, but thank you for the friendship and thank you for this (flexed biceps emoji) flex em.”
Sinagot naman din ito ni JM ng same emoji na ang ibig sabihin ay strength.
Ang tindi ng naging reaksyon ng mga fan at netizen sa post na ito at nagsipag-iwan sila ng kani-kanilang komento. Of course, may mga comment ang mga JuanBie (tawag sa loveteam nina JM at Barbie) fan.
Kontrobersyal ngayon ang love triangle nina JM, Rhian at Barbie at diumano, kung paniniwalaan ang mga sitsit, magkaaway ngayon sina JM at Barbie at dahil daw ito kay Rhian na kasama ng aktor sa isang pelikula.
Kaya naman naba-bash nang bonggang-bongga sina JM at Rhian ngayon at ang hinala ng mga fan, may relasyon na talaga ang dalawa na sinaktan lang daw ng aktor ang feelings ni Barbie.
May isang netizen na nagtanong kung bakit may sorry siya kay Rhian samantalang kay Barbie ay wala at hindi man lang daw pinag-aksyahan na bigyan ng ganitong post.
Sagot ni JM, “magkuwentuhan kayo a…yung malalim na kwento. @axe1torres @msbarbieimperial.”
Ang tinutukoy ni JM ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres na parang may naaamoy din kaming pagseselos na nagaganap.
Samantala may tweet naman si Barbie kahapon na nagsasaad ng “young but not stupid” at hinala ng mga fan ay tungkol din ito sa issue nila ngayon ni JM.
Anyway, naglalabo-labo pa rin hanggang ngayon ang mga fan nina Barbie, JM at Rhian at hindi na rin namin masabi kung ano ba talaga ang totoo sa mga sinasabi nila. At take note, ang titindi rin nilang magkomento.
Maging si JM ay sumagot na rin at may mga ilang netizen na siyang inaway.
Pero sa pagkakataong ito naman talaga namin napatunayan na ang dami palang supporter ng JuanBie loveteam, huh!

Pangalawang anak ni Dingdong may dalang suwerte

Halatang mas naging ganado si Dingdong Dantes na magtrabaho sa Cain at Abel simula nang malaman niyang lalaki ang magiging 2nd baby nila ni Marian Rivera. Patunay dito ang mga papuri sa kanila ni Dennis Trillo sa kanilang pagganap sa nasabing serye at ang magagandang feedback ng manonood.
May suwerte nga yatang hatid ang pangalawa nilang anak dahil puro magagandang bagay ang nangyayari sa kanilang mag-asawa ngayon.
Inaabangan naman ngayon ng mga manonood ay ang karakter ni Dingdong bilang si Daniel sa Cain at Abel ang pakikipagsagupaan niya kay Elias (Dennis Trillo) ngayong nagkrus na ang landas ng magkapatid.