JM bumalik sa rehab

NI: ARCHIE LIAO

Inihahalintulad ng Kapamilya actor na si JM de Guzman ang home quarantine sa rehab. Feeling niya ay parang muli siyang bumalik dito.

Iyon daw ang klase ng alienation at isolation niya sa mundo na na-feel niya noong nakulong siya sa rehabilitation center.

Ngayon naman, muli na namang nakulong ang aktor pero iba lang daw ang milieu niya.

Kahit nade-depress dahil sa pagkaburyong, malaking tulong daw ang suporta ng kanyang pamilya para ma-surpass niya ang boredom o pagkabagot.

Kumukuha rin ng lakas si JM sa paglaban sa kanyang depresyon sa kanyang support group.

Thankful din si JM dahil sa panahon ng ECQ, may time siya para maka-bonding ang kanyang mga fan sa social media.

Kamakailan lang,nakipag-jamming si JM sa kanyang mga follower sa Facebook at Instagram.

May apela rin siya sa lahat ng mga netizen na tulungan sila sa kanilang fund-raising project na ang target beneficiaries ay mga babies na naipit sa COVID-19 crisis.