tonite-imo-vinia-vivarInamin ni JM de Guzman na dalawang beses na siyang nabigo sa pag-ibig na talagang sobrang ininda niya.

“Noong medyo bata-bata kasi ako, dalawang beses akong na heartbroken nang sobra-sobra. As in ‘yung dapang-dapang heartbroken. As in ‘yung 24 hours kang umiiyak na. Tapos hihintayin mo sa labas ng bahay makausap mo lang.
Tatawagan mo, ‘yung ganu’ng level ng pagkadapa sa heartbroken,” ang pag-amin ni JM sa episode ng “Magandang Buhay.”

Taon din daw ang binilang bago siya nakabangon mula sa pagiging heartbroken.

“Well, it took me years noon para makabangon, maka-recover. Pero I made sure na ‘yung pain, ‘yung struggle nagagamit ko ngayon sa lahat, ‘yung wisdom na nakuha ko eh nagagamit ko,” pahayag pa ng aktor.

Hindi na sinabi pa ni JM kung sino ang minahal niyang ito, kung taga-showbiz or hindi, pero sa showbiz, isa lang naman ang alam nating minahal niya nang matindi at ito ay si Jessy Mendiola.

Open book din sa showbiz na dalawang beses silang nag­kabalikan at nag-split ni Jessy.

Pero nilinaw naman ng aktor na wala raw siyang pinagsisisihan na nagmahal siya nang labis.

“Wala akong regrets na nagmahal ako nang todo, wala akong grudges over love, kasi marami rin akong nakuha,” pahayag pa niya.

Ngayon daw ay focused naman siya sa pagpapa-­improve ng sarili niya.

“Sobra ako ngayong dedicated sa pag-i-improve sa sarili ko through martial arts. Sana ngayong taon mas fit ako, mas malakas ang utak ko, ‘yung emotional stability ko kapag isinabak ako ulit sa drama. I’m preparing for that kasi hindi talaga siya madaling trabaho,” he said.

Dennis-Dingdong tumibay ang bromance

Masaya si Dennis Trillo na mas tumitibay ang pagkakaibigan nila ng kapwa “Cain at Abel” lead star na si Dingdong Dantes. Para sa ­Kapuso Drama King, mas nagma-mature raw sila sa pagdaan ng panahon.

Ayon sa kuwento nito sa latest tsikahan with the press, mas nagiging hands on na raw sila ng Primetime King sa mga nagaganap sa kanilang set off-cam dahil mas natututo sila rito.

Dagdag pa ni Dennis, mas nagkakaroon silang dalawa ng oras para maka-bonding ang isa’t isa, hindi tulad ng mga karakter nila na sina Daniel (Dingdong) at Elias (Dennis) na away-bati ang peg. Natutuwa si Dennis sa ‘development’ na ito ng kanilang tandem.

Pero kung sa totoong buhay, happy si Dennis sa mas tumatatag na friendship nila ni Dong, ganito rin kaya ang nararamdaman ng karakter niya sa GMA Primetime series? Abangan ang mas umaatikabong mga tagpo sa “Cain at Abel” gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Mga fan nina Daniel-Kathryn ayaw umasa sa proposal

Nagkagulo ang mga fan sa post ng ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min sa kanyang Instagram account habang nasa Japan sila ng KathNiel.

“May nag proposed,” ang maikling post ni Mommy Min at sa caption, tanging hashtags lang na #visitjapanhilippines at #kathniellovesjapan ang kanyang inilagay.

Kinilig ang mga follower nila na for sure, mostly ay mga fan nina Kathryn at Daniel Padilla kahit nga wala namang direktang sinasabi si Mommy Min kung ang KathNiel ba ang kanyang tinutukoy.

“FOR A SECOND TUMIGIL HINING KO HAHAHAHAHA WALA NAMANG GANYANAN TITA,” komento ng isang netizen.

“This must be real tita ah,” sabi naman ng isa.

Pero siyempre, ang iba’y ayaw umasa na KathNiel ito at baka raw hindi naman.

“Huwag umasa guys. Kain nalang tayo hopia,” sey ng isa.

“Im sure hindi yan about sa kathniel. Baka yun isa ­niyang anak,” komento ng isa pa.

“Biglang na excite!!! Pero bawal umasa, mahirap ­masaktan,” anang isa namang netizen.

Nagpunta ng Japan ang KathNiel para sa #KathNiel­LovesJapan tour in connection sa pagiging bagong ambassador nila ng Japan National Tourism Organization.

Well, sino nga kaya ang nag-propose sa Japan na tinutukoy ni Mommy Min?