NI: VINIA VIVAR

Mariing sinabi ni JM de Guzman na wala raw siyang karelasyon ngayon. Natakot muna siyang makipagrelasyon dahil may issue raw siya sa dependency.

“’Yun ‘yung issue ko, ‘yung dependency sa relasyon, sa lahat ng bagay, substance,” pag-amin ni JM.

Kaya ito raw ang wino-work out niya ngayon.

“’Yun ‘yung pina-practice ko, ini-strengthen ko, mina-maximize ko ngayong lockdown, mag-isa ako. So I have to work on that pa,” sey ng aktor.

Samantala, isa si JM sa tumatanaw ng napakalaking utang na loob sa ABS-CBN kaya naman ngayong nahaharap ang network sa problema ay ipinapakita rin niya ang kanyang suporta.

“For me, personally, ang daming natulong sa akin ng ABS, nabago niya ‘yung direksyon ng buhay ko and as much as I want to na ipagsigawan ko, mahirap dahil may bangas na ‘yung past ko, and I just do it sa action na ipinapakita ko lang kung gaano naging kabait sa akin ang ABS at ibinabalik ko lang din,” he said.