Magbabanggan ang dating magdyowa na sina JM de Guzman at Jessy Mendiola.

Parehong Abril 10 ang playdate ng kanilang pelikula.

Dalawang bagong kumbinasyon ang ipakikilala sa mga nasabing pelikula.

Bida sina JM de Guzman at Arci Muñoz sa movie within a movie na “The Last Fool Show” na idinirehe ni Eduardo Roy, Jr. Huhusgahan din ang bagong tambalan nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde. Tampok sila sa romantic drama na “Stranded” na idinirek ni Ice Idanan.

Dahil sa kanilang tapatan, wish naman ng mga industry observers na huwag sanang magkasakitan sa takilya sina JM at Jessy.

Wish din ng ilang faney na magkaroon ng movie ang dating mag-ex. ­(Archie Liao)