Jm kinukulit na anakan sina Angelica, Barbie

Aminado ang Kapamilya ­actor na si JM de Guzman na nasa punto na siya ng kanyang buhay na kinukulit na siya ng kanyang nanay na lumagay sa tahimik.

Katuna­yan, gusto na raw nito na magka-apo sa ­binata.

Boto raw itong anakan si Angelica Panganiban o kaya ang nali-link sa kanya ngayon na si Barbie Imperial. Nagkasama sila ni Barbie sa teleseryeng “Araw Gabi.”

Sobrang flattered naman siya dahil nalaman niya na crush pala at naging pantasya siya ng “Kung Paano Siya Nawala” leading lady na si Rhian Ramos noong nagsisimula pa ito, bagay na hindi sinabi ng huli noong nagsho-shoot pa sila.

Hirit pa niya, kinilig daw siya kay Rhian dahil napakalakas ng personality nito, bagay na ina-appreciate niya sa dalaga.

Papel ni Lio ang role niya, isang lalaking nahihirapang kumonek sa mga tao dahil sa kanyang face blindness disorder, hanggang makilala niya ang babaeng magpapabago ng kanyang buhay.

Mula sa pro­duksyon ng TBA Studios at sa direksyon ni Joel Ruiz, palabas na ang “Kung Paano Siya Nawala” si­mula sa November 14.