Vinia Vivar

Isa si Jennylyn Mercado sa mga isinisigaw ng netizens na puwedeng sumigaw ng “Darna!” at “Ding, ang bato!” ngayong umatras na si Liza Soberano sa “Darna” movie at nasa selection process na naman ang ABS-CBN at Star Cinema sa gaganap sa iconic character.

No. 1 trending kahapon sa Twitter ang hashtag na #BagongDar­na dahil sa pa-survey ni Eric John Salut sa mga netizen kung sino ang gusto nilang maging bagong Darna.

Isa sa maraming botong natanggap ay ang Kapuso Ultimate Star at may mga list sila ng dahilan kung bakit si Jen ang karapat-dapat na maging Darna.
Empowered Filipina, award-winning actress, box-office star, sexiest woman, woman and children advocate, super-mom, triathlete, and real-life survivor ang nasa check list nila kung bakit si Jen ang kanilang bagong Darna.

At ang nakakatuwa, may napili na silang leading man for Jen at ito ay si JM de Guzman. May nilagay silang picture ng dalawa na magkasama at bagay nga naman sila.

Maging ang manager ni Jen na si Becky Aguila ay natuwa naman sa tweets ng mga netizen. Aniya ay flattered nga rin daw ang aktres and thankful.

“Hahaha ang cute naman,” reaksyon ni Tita Becky. “No expectations but thankful sa mga tweets. Sobrang flattered si Jen,” aniya.

Bukod kay Jen ay marami ring bumoto kay Nadine Lustre, Maine Mendoza at Kathryn Bernardo na understandable naman dahil pawang Filipina beauties ang tatlo na fit for Darna character.

Matunog din ang mga pangalan nina Maja Salvador, Julia Montes, Pia Wurtzbach, Catriona Gray at Yassi Pressman. May bumoto rin kina Sanya Lopez, Jasmine Curtis Smith, Andrea Torres, Erich Gonzales, Loisa Andalio, Maymay Entrata, Sarah Geronimo, Anne Curtis at may mga nagsasabi ring ibalik na lang daw kay Angel Locsin ang role.

Yasmien sulit ang hirap

Nakahanap na naman kami ng isa pang dahilan para hangaan si Yasmien Kurdi. Finally, naka-graduate na siya sa kolehiyo with a degree in Political Science sa Arellano University.

Sulit na sulit ang lahat ng hirap at pagod ng aktres dahil nakamit na niya ang matagal niyang pangarap.

Excited na nag-march ang actress sa kanyang graduation day at inalay ang kanyang diploma sa kanyang pamilya.

Pinilit ni Yas na makapagtapos dahil gusto niya na maging ehemplo sa kanyang anak na si Ayesha.

Samantala, kasalukuyang napapanood ngayon si Yasmien sa teleseryeng “Hiram na Anak” sa GMA-7 kasama sina Paolo Contis, Dion Ignacio, Lauren and Empress Schuck.