JM malakas ang saltik?

Lahat ng mga sinehan ngayon sa Mega at Metro Manila ay pulos “Avengers: Endgame” ang pa­labas. ‘Yung ibang malls nga, 24/7 ang pagpapalabas nito, hindi na siguro mag-iinarte ang mga theater owner na luging-lugi sila kapag Filipino films ang ipinapalabas kasi nga kung ano man ang kiyeme nilang pagkalugi, siksik, lig­lig at umaapaw ang kanilang negosyo ngayon at siguro, hanggang tatlong buwan, pipilahan at papanoorin pa rin ang Marvel movie.

Kaya nga ang diva that you love, bago pa maibigay sa Marvel mega-franchise ang sine kung saan ang Edu­ardo Roy’s “Last Fool Show” ang umoo­kupa, pinanood ko ito and boys, girls, bekis and tibams, hindi ako na-disappoint.

Superlative ang pelikula, ang kuwento, ang mga katauhan at ang kanilang mga sitwasyon na pinagdadaanan. Fan ako ni direk Edong simula noong mapanood ko ang kanyang pelikulang “Quick Change” with the diyosang Mimi Juareza and itong “Last,” parang it poked on our penchant for preferring to watch romantic comedy mo­vies and the studios that produced them. Oo, malaking bagay na sure hit ‘pag romcom, pero mas may puso ‘yung katotohanan na kaya nila ginagawa ito, para mas maraming tao ang kiligin, magka-inspirasyon at lumigaya.

Malaking bagay rin na ang ganda at ang galing ni Arci Muñoz bilang Mayessa. Mas malaking bagay rin na ang husay, ang guwapo ni JM De Guzman bilang Pao at siya talaga ang buhay na patotoo na “ang tunay na lalaki walang abs.”

‘Yung super cutey na “sirena” scene nila ni Muñoz, ‘yung eksenang hinubad niya ang kanyang sando at tumambad sa screen ang hubad niyang katotohanan, ay parang nag-init ako at na-wet, wet, wet! Charot!

Speaking of De Guzman, kuwela sa akin ang pagpatol niya sa ilan niyang mga basher sa kanyang social media site.

Sa isang wrong grammar na hitad na itatago natin sa handle name na socorro balbuena na may kuda kay JM na: “I don’t like to you, you’re a liar,” ang patol ni De Guzman: “Why don’t you like to me?” with matching sleepy at laugh out loud emojis. Si Bb. Balbuena naman, magpapapansin lang, sablay pa.

Ang isang nilalang na brendzz ang handle name, ang hanash: “lakas p rin ng sayad saltik.” Ang reaksyon ng actor rito: “hi. J you are being tracked right now” na may kalakip na tatlong LOL emoji.

Iba rin si brenzz, huh! Siya yata ang may brain damage to say such things to an actor na hindi naman niya kilala in a personal capacity. Ang galing manghusga. Sakdal linis. Busilak! Ipatapon na kaya natin siya sa Pacific Ring of Fire para huwag na ito magngalit? Charot! Hahahahaha!
***

Zsa Zsa ayaw paawat sa kasal

Plantsado na ang lahat ng mga tinik sa dibdib ni Divine Diva, Zsa Zsa Padilla, lalo na ang issue tungkol sa kanyang kapasidad na makipag-isang dibdib. Kaya nga ang diva that you love, hindi na nagtataka kung bakit sa tuwing may pagsasama-sama na kausap ang glorious golden lady, laging boka ang kanyang walk down the aisle sa kanyang fiancé na architect of the rich and famous, si Ginoong Conrad Onglao.

All set na daw ang kasalan nila ngayong taon at may chance na kung si Onglao ang masusunod, maaaring sa Italya ang kanilang “I do’s.” Kung si Padilla will put her dainty foot down, maaaring sa Pilipinas mangyayari ang kanilang first step to happy ever aftering.

Ang nasa ni Divine Diva, ang kanyang magiging matrimonial outfit ay isang simple yet elegant Monique Lhuillier dress.

Simplicity is beauty ang kanyang motto for her wedding and she’ll keep it as solemn and as real as possible with their respective families lamang ang in attendance kung saka-sakali.

Kung may after wedding party, kung si Zsa Zsa ang masusunod, ang nais niya, wala na. Pero si Conrad ang may gustong i-celebrate ang kanilang wedding with style, pomp, and a little opulence, perhaps?

After all, huwag naman sanang ikagalit ni Ms. Anna Dizon, Zsa Zsa Padilla is Zsa Zsa Padilla. Kailangang la­ging may reference sa nagpasikat sa linyang Anna Dizon is Anna Dizon, huh! Hahahahaha!

Ang diva that you love, ngayong kahit anong sibat yata ay hindi na mapi­pigilan ang pagpapakasal ni Padilla, isang word sana ang hindi niya makalimutan, at ito ay “PRENUP.”
‘Yun lang.