JM ninerbiyos sa pag-alok ng date kay Barbie

tonite-imo-vinia-vivarIpinost ng ABS-CBN ang proposal video ni JM de Guzman sa leading lady sa “Araw Gabi” na si Barbie Imperia. Nope, hindi naman proposal for marriage, of course, kundi para maging date sa nalalapit na ABS-CBN Ball.

Naganap ang proposal sa mall show nila sa Dasmariñas, Cavite sa gitna ng nagsisigawang mga fan.

Nakakatuwa kung paanong hindi masabi-sabi ni JM nang diretso ang “will you be my date at the ABS-CBN Ball?” at nakailang attempt siya’t parating “will you be my date…” lang ang nasasabi’t hindi matapos-tapos ang karugtong.

Kitang-kita rin sa video na ninenerbyos si JM at napabuntong-hininga pa. May part pa na tinakpan niya ang kanyang mukha ng hat niya dahil sa hiya.

And all throughout JM’s struggle, nakakabi­nging hiyawan ang maririnig mo sa audience, obviously dahil sa kilig.

Sa nerbyos nga ni JM, sa halip na ABS-CBN Ball ay Star Magic Ball ang nasabi niya, pero okay na rin dahil finally ay natapos niya ang gusto niyang sabihin after ilang attempt.

All throughout naman ay nakangiti si Barbie at matiyagang hinintay na matapos ang proposal ni JM.

Nang finally ay masabi na ng aktor, medyo ibinitin pa ni Barbie ang sagot pero sumagot din ng “yes”.

Sa sobrang saya ni JM ay niyakap niya si ­Barbie at binuhat saka inikot. Siyempre, sigawan to the max pa rin ang fans.

Sa comment section ng IG post ay ang da­ming nag-comment na hindi scripted ang proposal dahil kitang-kita ang nerbyos ni JM. May nagsabi ring first time raw ginawa ito ng aktor na kilala sa pagiging mahiyain.

Ang dami ring boto sa loveteam nila at nagwi-wish na sana raw ay maging sila in real life.

***

Jolo namana kay Bong ang pag-aalaga sa bebot

Ayon kay Rhian Ramos, hindi naman daw siya napikon nang may mga espekulasyong baka siya ang third party sa hiwalayan nina Jolo Revilla and Jodi Santamaria.

“Wala namang outright na nagsabi nang ganu’n. Siyempre, kung may nagsabi nang ganu’n, maiinsulto ako, ‘di ba? Pero puro haka-haka lang naman, eh. It was more of asking questions kung posible bang may kinalaman ako or whatever,” pahayag ni Rhian sa entertainment press at the presscon of “Tres”, an action trilogy film starring the ­Revilla (Bryan, Jolo and Luigi) brothers.

Dagdag pa ng Kapuso star, naiintindihan naman niya na nagkaroon ng mga ganun’g haka-haka dahil nangyari ang break-up nina Jodi and Jolo habang nagsu-shoot sila ng “72 Hours”, ang episode nila ni Jolo sa Tres.

“Natural ‘yun sa showbiz, hindi ko naman siya pine-personal. I think it doesn’t really have to do anything with me, it has more to do with the industry,” sey ni Rhian.

Bagama’t magkaiba sila ng home network ni Jodi, ayon kay Rhian ay magkakilala naman daw sila. Pareho raw kasi silang taga-South at may panahong pareho sila ng pinupuntahang gym. Nagkausap na rin daw sila sa telepono.

“She’s really lovely. I think, she’s one of the nicest people in the industry. You can tell by her smile and her face, and her sincerity and her voice na you know, she’s really a great person. I would never wanna do anything mean to her, you know what I mean,” sey niyang natatawa.

First time nakasama ni Rhian si Jolo sa “72 Hours” and before this, wala raw siyang alam tungkol sa aktor/politiko dahil ang kilala niya ay ang kuya nito na si Bryan, ganundin ang ama nitong si former Sen. Bong Revilla dahil nakatrabaho na niya ito.

Maging si Rhian ay agree na talagang kuhang-kuha ni Jolo ang kilos ng ama nito.

“Nakikita ko, grabe, ang dami nilang similarities. Kung paano sila mag-alaga ng mga tao sa set nila. And nakita ko ‘yung effort nila to always make me feel special,” kuwento pa ni Rhian.

Sa shooting daw ay talagang siniguro ng produksyon at ni Jolo na talagang kumportable siya magmula sa tent hanggang sa pagkain lalo pa nga’t siya lang daw ang nag-iisang babae sa set. Sobrang na-spoil daw siya talaga kaya sobrang nag-enjoy siya doing the film.

Showing na sa October 3 ang “Tres” na may tatlong episode namely, “72 Hours” ni Jolo, “Virgo” ni Bryan at “Amats” ni Luigi.